Dahil nakilala Kita

26 2 0
                                    

Dahil nakilala kita
By: Janica Bianco

Bago kita makilala bumili na ako ng kadena at kandado, na ginamit ko sa lahat ng pintuang pwede mong pasukan patungo sa mundo ko.
Bago kita makilala kasingtigas ng bato at kasinglamig ng yelo ang puso ko.
Bago kita makilala sarili ko lang ang iniisip ko.
Bago kita makilala wala akong pakiramdam.
At bago kita makilala payapa ang sarili kong mundo.
Pero mula nung nakilala kita lahat nagbago.
Mula nung nakilala kita tinanggal ko ang mga kandado.
Mula nung nakilala kita hinayaan kong pasukin ang mundo ko.
Mula nung nakilala kita lumambot ang matigas kong puso.
Mula nung nakilala kita, hindi ko na kilala ang sarili ko.
Dahil mula nang makilala kita gumuho ang payapa kong mundo. Nawindang ang utak ko. Nadurog ang puso ko. Nawasak ang sarili ko.
Dahil nakilala kita.

Salita ng PusoWhere stories live. Discover now