Dating Tagpuan

3 0 0
                                    

Nakita kita sa dating tagpuan.

Nakatayo ka at humahanga sa karagatan ng mga bituin.

Nakita kita sa dating tagpuan.

At nilalasap mo ang simoy ng hangin.

Nakita kita sa dating tagpuan.

At bumagal, bumagal ang kilos ng lahat.

Nakita kita sa dating tagpuan.

At kasing liwanag ng iyong mga ngiti ang ilaw ng mga alitaptap sa langit.

Ngunit, nang makita kita sa dating tagpuan.

Ibang kamay ang iyong hawak.

Iba na ang iyong kaabay.

Iba na ang iyong kayakap. 

Iba na ang daholan ng iyong pagtawa.

Dahil iba na ang puso na iyong kasama.

Baka pwede namang makaabala?

Magtatanong lang sana.

Pwede ba nating balikan mahal?

Pwede ba nating balikan ang mga alaala na tayo pa ang magkasama.

Pwede ba nating balikan ang mga ngiti nating kay saya?

Pwede ba nating balikan ang kwento nating dalawa?

Sa kung paano tayo nagsimula.

Sa kung paanong ang mga ngiti sa ating labi ay hindi humuhupa.

Sa kung paanong sabay tayong humihiling sa pagdaan ng bulalakaw.

Sa kung paanong sabay tayo naniwala sa mahika ng buwan.

Pwede ba nating balikan ang kwento nating dalawa.

Sa kung paano mo ako hinalikan sa noo at sinabing "Mahal kita".

Sa kung paano mo ako niyakap, niyakap ng mahigpit at sinabing "Wag kang mawawala"

"Mahal Kita."

"Wag kang mawawala."

Yang mga katagang yan ang gumawa ng sugat sa puso ko.

Na kung titingnan mong maigi ay malalim itong bumaon.

At tatanungin mo ako

Kung masakit pa ba..

Oo. Masakit pa.

Balikan nating muli ang alaala ng pangakong iyong iniwan.

Alaala na kung paanong kay tamis mo itong binitawan.

At ako naman tong si tanga.

Umasa.

Umasa na iyong mapaninindigan.

Umasa na hindi alam na ikaw pala ang pwedeng mawala.

Balikan natin ang alaalang sinabi mong ika'y maghihintay.

Kung paano mo sinabi na kaya mo maghintay

Hanggang sa pagdating ng araw na kayang kaya mo na akong ipaglaban.

At tinanong mo rin ako diba?

Na kung maghihintay rin ba ako.

Mahal.

Ang sagot ko ay oo.

Oo.

Maghihintay ako at kakapit ako.

Pero sadyang ikaw ang unang bumitaw.

Kaya ano pa ba ang magagawa ko?

Ano pa ang saysay ng paglaban ko kung magisa na lang ako?

Ano pa ang saysay ng pagsugal ko kung simula pa lang ay talo na ko?

Ano pa ang saysay ng pananatili ko kung iniwan mo na rin naman ako?

Ano pa ang saysay ng pagmamahal ko kung nasa iba na ang puso mo?

Ano pa ba ang saysay kung itutuloy ko to?

Ano pa ba?

Ano?

O diba?

Wala.

Wala na.

Nakita mo ako sa dating tagpuan.

Nakatayo ako at humahanga sa karagatan ng mga bituin.

Nakita mo ako sa dating tagpuan.

At nilalasap ko ang simoy ng hangin.

Nakita mo ako sa dating tagpuan.

At napako ang tingin natin sa isa't isa.

Nakita mo ako sa dating tagpuan.

At lumapit ka.

Tinanong mo ako kung...

"Ayus ka lang ba?".

Tiningnan kita

Mata sa mata.

Nginitian kita

Kasabay ng pagpatak ng mga luha.

Oo ayus lang ako

At magiging ayus din ako.

Pasensya na sa abala

Pero magpapaalam lang ako.

Magpapaalam na ako sayo.

Dito sa Dating Tagpuan.

Mahal,

Paalam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salita ng PusoWhere stories live. Discover now