Tama na ang pagiging Tanga

22 1 0
                                    

Tama na ang pagiging Tanga
By: Janica Bianco

Eto na siguro...

Ay hindi.

Hindi siguro.

Eto na talaga ang huling liham na iaalay ko para sayo.

Sa hinaba haba ng mga liham na naialay ko sayo.

Hindi ko alam yung gano to kahaba o papaikliin ko na lang ba, dahil alam ko namang wala nang saysay pa.

Pero makinig kang mabuti dahil gusto ko na bawat salitang lalabas sa bibig ko ay tatagos sa walang awa mong puso.

Nako baka akalain mo galit ako.
Hindi ako galit, kahit kelan hindi ako magagalit, dahil nakakapangit.
Nasaktan lang.

Magsimula tayo sa simula. Magsimula tayo sa unang araw na nalaman mo ang pangalan ko, ano nga sumunod don?
Ah oo nga!
Naging magkaibigan tayo.

Ilang kwento na nga ba ang napagkwentuhan natin? Sa dinamirami hindi ko na matandaan.
O parang mas gusto ko na nga na hindi ko matandaan.

Dahil sa bawat alaala ng mga kwento mo ay siyang nagpapaalala sakin na naging mahalaga ako sa buhay mo. Pero teka!
Naging mahalaga nga ba ako? O sadyang mahalaga lang ako pag kailangan mo?
Ah! Hindi na nga pala importante sakin yon.
Kase diba tanggap kita? Tanggap kita kahit na aminado kang gago ka.

Oo gago ka!
Tanggap mo naman diba?
Kaya didiinan ko na GAGO KA. Letse ang tanga ko no?

Pero mahal, alam mo bang kahit ganyan ka natiis ko dahil mahal kita.
Kinaya ko lahat dahil mahal kita.
Tinanggap kita ng buo dahil mahal kita.
At galit ako sa sarili ko dahil mahal kita.
Mahal nga pala kita.

Mahal, Gusto ko nang tumigil dahil masakit na pero di ko magawa.
Unti unti kong sinaktan ang sarili ko dahil sayo para mas madali ang paglimot ko.

Mahal, gusto ko nang mawala ang mga iniwan mong sugat dahil mahapdi na.
Kaya mahal sabihin mo ang mga salitang "Di na kita mahal." Para magising ako sa pagka hibang na wala na akong aasahan.

Oo nga pala, hindi mo nga pala masasabi ang mga salitang yan.
Dahil hindi mo nga pala ako minahal.
Oo hindi mo ako minahal!

Magkaiba ang gusto sa mahal. Gusto mo lang ako pero di mo ako mahal.
Gusto mo lang na nandyan ako sa likod mo para may tatakbuhan ka kung sakaling hindi mo na kaya.

Pero mahal pasensya na, ako kasi hindi ko na kaya pero hindi kita matakbuhan.
Ayus lang.
Masasanay din ako.

Masasanay din ako na wala ka sa piling ko.
Masasanay din ako na hindi na ako ang katawanan mo. Masasanay din ako na hindi na ako ang kausap mo.
Wag kang magalala, masasanay din ako sa katotohanang wala lang ako sayo.

Pero oo. Hindi mawawala yung naramdaman ko sayo.
Oo minahal kita  hindi mawawala yun, pero wala eh. Masakit na, ako na lang naman ang lumalaban.

Ayoko nang matawag na tanga. Tama na ang sakit na tinitiiss ko gabi gabi sa tuwing kausap kita.
Tama na ang mga luhang sinayang ko na hindi mo naman nakita.
Tama na dahil mahapdi na ang mga mata kong pigang piga na. Tama na dahil ayoko ko nang matulog sa mga unang basa. Tama na sa pagiging tanga.

Dahil wala naman nang saysay ang pagiging tanga kung ang dahilan ng pagkatanga ko ay isa rin namang tanga.

Panahon na para paalisin ang isang tanga na nagpakatanga sa isang tanga.
Panahon na para sarili ko naman ang paglaanan ko ng oras.
Panahon na para maging masaya ako sa sarili kong gawa.
Panahon na para sarili ko naman ang bigyan ko ng pagmamahal.
Dahil ayoko na ayoko na talaga.
Tangina.

Salita ng PusoWhere stories live. Discover now