Sa Pagitan

10 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit patuloy pa akong nagsusulat ng tula patungkol sayo.

Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong nagiisip ng sulusyon sa problema na to.

Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong umaasa na may pag asa pa tayo.

Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ako sa pagluha sa tuwing naiisip ko na baka, baka mahal mo pa rin ako.

Na baka kahit papaano ayaw mong mawala ako.

Na baka sinabi mo lang yung mga masasakit na salita, tumigil lang ako.

Na baka sinasakripisyo mo lang ang sarili mong kasiyahan para sa iba.

Na baka mas sinusunod mo lang ang isip mo kesa sa idinidikta ng puso mo.

Na baka ayaw mo lang na madamay ako sa sakit ng sarili mong problema.

Dahil nung gabing sinabi mo na,

"Di na kita mahal. Tumigil ka na. Wag ka nang umasa masasaktan ka lang"

Mahal kita ko ang lungkot sa mga mata mo.
Hindi marunong magsinungaling ang mga mata mo.
Kitang kita ko ang tunay mong nararamdaman.
Hindi mo ako kayang linlangin dahil ramdam ko.

May nakapag sabi sakin na mas mabuti pa nga raw na bitawan na kita.
Dahil hindi pa raw kita kilala, mas mabuti raw na kilalanin muna kita.

Pero mahal, kahit na sino ka pa tanggap at tatanggapin kita. Kahit na gaano ka pa kagago, oo tatanggapin kita.

Pero bakit ganun?
Bakit ba pinipigilan mo ako na ipaglaban ka kahit na alam mo sa sarili mo na gusto mo naman?
Bakit ba pakiramdam ko nasa pagitan tayo?

Sa pagitan ng suko na at laban pa.

Sa pagitan ng tigil na at asa pa.

Sa pagitan ng lungkot at saya.

Sa pagitan ng ayoko na at gusto ko pa.

Sa pagitan ng mahal kita at hindi na.

Mahal hanggang kelan ba tayo mananatili sa pagitan?

Hanggang kelan mo ba balak manatili sa likod ng sarili mong utak?

Hanggang kelan mo ba balak ikulong ang mga puso natin na parehas nang naghihingalo?

Hanggang kelan ba natin titiisin ang mga problemang ayaw mo pang bigyan ng solusyon?

Hanggang kelan ba tayo maghihintay?
Oo mahal.

Maghihintay ako, hanggang sa makaalis na tayo sa pagitan ng pwede na at hindi pa.

Salita ng PusoWhere stories live. Discover now