Sleep Paralysis

1.2K 22 50
                                    

SLEEP PARALYSIS

Bukas ang diwa mo, ngunit hindi mo maigalaw ang iyong katawan. Sinamahan pa ito ng iba't ibang hallucinations na lalong mas magpapatakot sa 'yo... Kadalasan ding tumatagal ito ng ilang minuto bago mo maibalik ang sariling katinuan.

Maaaring mag trigger ang sleep paralysis kung sobrang stressed ka o pagod ka. It also occurs before or after you go to sleep.

Tinawag din na nightmare ang SP. It was widely considered the works of demons, and more specifically incubi- is a -demon in male form who, according to mythological and legendary traditions, lies upon women in order to engage in sexual activity with them, ayon sa Wikipedia, which were thought to sit on the chests of sleepers.

GHOST. PARASITES. ALIEN VISITS. DEMONS OR DEMONIC POSSESSION. ALIEN ABDUCTION EXPERIENCES. AND SHADOW PEOPLE HAUNTING. Ito raw ang kadalasang nakikita habang nags-sleep paralysis.

Signs at mga sintomas:

1. Humming, hissing, static, and zapping.

2. Imagined sounds (voices, whispers and roars)

*Nagt-trigger ang mga ganitong tunog dahil sa sariling takot lalo na pag may pinoproblema. Ang incubus (para sa babae) at succubus (para sa lalaki) na sinasabing isang supernatural creature ang sumasakal o dumadagan sa dibdib mo para hindi ka makahinga at hindi bumalik ang katinuan mo.

Minsan pa'y makikita mong may iba't ibang mga anino ang nakabantay lamang sa 'yo.

Ang SP din ay isang sign na ang katawan mo ay hindi nakakasunod sa stages of sleep, dahilan upang mangyari ito sa 'yo.

Hypnagogic or predormital sleep paralysis- Sleep paralysis that occur while you are falling asleep;
Hypnopompic or postdormital sleep paralysis- Happens as you are waking up.

What triggers PS?

1. Kulang sa tulog.

2. Pabago-bago ng sleeping schedules.

3. Stress or bipolar disorder.

4. Nakadapa kung matulog.

5. Narcolepsy (affects the control of sleep and wakefulness) at pamumulikat ng paa sa gabi.

Karamihan sa mga nakakaranas ng sleep paralysis, needs no treatment. Pero puwede mong i-improve ang sleeping habits mo, kahit six to eight hours na pagtulog.
Ang paggamit din ng antidepressant medication kapag niresetahan ka ng doktor.
Treating of any other sleep disorders, such as narcolepsy.

"People freak out because they can't move, and it's this extreme anxiety which causes people to be very fearful of their surroundings," says Breus. Simple lang, kapag naranasan mo ito, h'wag kang mag panic. Hindi mo mao-overcome ang mga nangyayari sa paligid mo kung pagaganahin mo ang takot mo.
Relax lang at huminga nang malalim. Mas mainam kung magdadasal ka nang taimtim para makawala sa isang bangungot. Dasal ang pinakamabisang paraan at guide sa dilim.

Natural occurrence ang SP. Kahit isang beses sa tanang buhay mo ay mararanasan at mararanasan mo 'yan at kahit sino ay puwedeng makaranas niyan. Pero mas common pa ring tamaan nito ang mga young adults at mga taong may record na ng mental illness.

The less sleep you get and the more exhausted you are, the more likely you are to experience sleep paralysis. Mas mainam din nab ago matulog ay uminom ng maraming tubig upang mas mapalalim ang pagtulog.

Super frustrating ang paghahanap ng malinaw na dahilan kung bakit nagkakar'on ng sleep paralysis maliban sa stress o sa pagod. Marahil siguro ay konektado ito sa mga supernatural phenomenas, kaya mas mabuti lang na patatagin na lamang ang faith sa kung ano mang mga pinaniniwalaan natin.

Hindi naman delikado talaga ang SP, wala pang scientific explanation na nakaka-harm ito sa physical body mo. Harapin lamang ang takot mo dito at 'wag na 'wag magpapadala sa pagka-panic at praning kung sakaling nasa aktuwal ka na. Hindi magtatagal ng ilang oras 'yan, kaya mag pray lang lagi, at hangga't maaari iwasan ang mga bagay na nakakapag-trigger nito.

Nakakatakot na rin minsang matulog kung palagi kang dinadalaw ng SP. Para bang binabangungot ka, dahil nakikita mo mismo ang mga kinatatakutan mo lalo pa na hindi ka man lang makagalaw o makapagsalita man lang. Para bang bukas din ang 6th sense mo.

Base pa sa mga opinyon ng mga nakaranas na nito, hindi natin gugustuhing maranasan talaga ito. Kadalasan ay puro anino ang nakikita nila, o 'di naman kaya makikita nilang may nakadagan mismo sa kanilang dibdib dahilan para hindi talaga sila makagalaw o makasigaw man lang, makaririnig ng iba't ibang mga bumubulong sa 'yo, at mga sumisigaw naman na parang nasa impyerno, at mas worse pa, ay kung makakita ka ng old hag at lalo pa, ng demonyo mismo sa harapan mo.

Sabi rin nila, ang nakakapag-trigger pa sa PS, ay ang pagtulog nang nakahilata lang. Mas mabuti raw kung nakatagilid o may yakap na unan kaysa ang matulog nang deretso ang katawan.

Hindi natin aakalain na ganito pala ang SP? Para bang binabangungot ka at gusto mo nang magising ngunit hindi mo naman magawa.

Anong sa tingin mo? Naranasan mo na kaya ang ganitong pangyayari?

Kung may katanungan tungkol dito, leave your comments below.

Lucid Dreaming, Sleep Paralysis, & Astral ProjectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon