What is Lucid Dreaming?

1.2K 39 17
                                    


LUCID DREAMING

Ang pananaginip na aware ka, is the Tibetan Buddhist practice of dream Yoga, and the ancient Indian Hindu practice of Yoga nidra; ayon sa Wikipedia.
Ang ganitong practice daw, ay nagsimula pa sa early Buddhists.

Nasabi na noon pa sa mga early Philosophers na nakaranas nito, na lahat ng tao ay posibleng mapag-aralan on how to dream consciously.

Ayon kay Paul Tholey, a German oneirologist (one who studies dreams), he proposed 7 conditions of clarity that a dream must fulfill in order to be defined as a lucid dream:

1. Alam mong nananaginip ka.

2. Alam mong makakagawa ng mga desisyon.

3. Aware ka na gising ang utak mo.

4. Aware ka sa sarili mo.

5. Alam mo ang ginagalawan mo sa loob ng panaginip.

6. Alam mo ang ibig sabihin ng panaginip mo; at

7. Kaya mong mag concentrate at mag focus.

Kapag nasubukan mong mapag-aralan na ang LD, maraming bagay na kakaiba ang puwede mong magawa...

Makakaya mong i-explore ang dream world nang malinaw. Lahat ng makikita, maririnig, maaamoy, matitikman at mararamdaman mo ay parang totoo.

Magagawa mo lahat ng pinapangarap mo. Halimbawa nalang ay kung gustong lumipad at pumunta sa iba't ibang mga lugar, maka-date o makausap ang crush mo (posible nga rin dito ang dream sex), makapag-time travel, matuklasan ang mga iba't ibang aliens na iniisip mo lang dati kung nage-exist ba sila o hindi, makain lahat ng gusto mo nang iisipin mo lang, at makapag-travel pa sa iba't iba pang mga lugar.

Mao-overcome mo ang personal psychological issues mo. Kasama na dito ang fears mo, phobias, anxieties, nightmares, and past traumas.

No laws. No boundaries. No limitations. Lahat ng gusto mong mangyari na kung iisipin mo lang habang naglu-lucid dreaming ka, ay paniguradong mangyayari... Maaari ka ring maka-survive sa isang aksidente kahit imposible dahil ang lahat nang mga nangyayari diyan ay panaginip lamang.

Sa mga beginner pa lang, they find their lucid dreams end prematurely. Dahil ito sa adrenaline rush at excitement na nagdadahilan kung bakit nagigising kaagad sila.
Para humaba lalo ang paglu-lucid, maging kalmado at focused dapat ang mindset sa dreamworld.
Ayon sa World of Lucid Dreaming, isa pang simpleng paraan ay ikuskos ang magkabilang kamay at sabihin sa sariling, "Nananaginip ako" o "I'm dreaming".

Sa pag LD, maaari ka ring mag control ng mga characters mo sa panaginip. Buhay man sila o patay na, artista man, fictional man o nababasa mo lang sa mga libro, o mga anime man 'yan. Good way to do is to heighten your lucidity, at isipin mo lang ang taong gusto mong maging isa sa mga karakter sa dream world mo. Okay rin kung tatawagin mo sila nang malakas.

'Wag kang matatakot hilingin sa panaginip mo ang mga request o tanong tulad ng future mo.
"Show myself 20 years from now." O di naman kaya, ipakita kung sino ang magiging partner mo for life, o kung ano pang gusto mong malaman sa future... Ilan lamang sa mga iyan ang mga valid requests na kadalasang hinihingi ng mga nage- LD.

Sa pag-iiba mo naman ng lugar sa dream world, maaaring gawin moa ng mga sumusunod na bagay:

Humanap o mag locate ng dream door. Tipong isang pintong nakatayong nag-iisa sa isang random na lugar.

Mirror Portals. A liquid-like mirror that leads to another dimension. Makakarating ka sa lugar kung ano mismo ang iniisip o gusto mo.

Ilipat ng ibang channel ang T.V. Tumalon mismo sa loob nito at hayaang maging 3D ang paligid mo.

Lumayo sa exact scene kung nasaan ka. Mag imagine ng panibagong lokasyon kung saan mo gusto mapunta. At pagtingin mo sa likod mo, nand'on ka na.

Umikot. At saka mo isipin kung saan mo gustong pumunta paghuminto ka sa pag-ikot.

How to Lucid Dream?


WARNING: THE NEXT CHAPTER WILL EXPLAIN SOME OF THE STEPS ON HOW TO COMMIT LUCID DREAMING. Read at your own risk. 'Wag susubukan sa bahay kung hindi naman kayang i-handle. Magbasa lang iyong mga interesado.

Lucid Dreaming, Sleep Paralysis, & Astral ProjectionWhere stories live. Discover now