KALOKOHAN 18 (Nasa huli ang pagsisisi)

17.2K 783 51
                                    

Sa kabilang dako (ang lalim diba? Haha), silipin naman natin ang naging buhay ni Prince Sipe pagkatapos ng masaklap, malupit at masakit na break-up nila ni Candys.

“Pare, ang tanga-tanga ko!” Pinagsusuntok ni Prince Sipe ang pader sa likod ng School nila. Pero mahina lang para di sya masaktan.

“Ok lang yan Prince.” Sagot naman kapustahan nyang si Manny habang binibilang ang pera na napanalunan nya sa pustahan.

“Ok lang sa’yo kasi ikaw ang nanalo.”

“Hindi ako mananalo kung hindi ka pumayag makipagpustahan. Utak nga pare! Sayang gandang lalaki mo.”

“Tama ka. Ang tanga-tanga ko talaga!” Umupo sya sa tabi ni Manny at hinilamos ang mukha nya sa sobrang inis.

“Oo, tanga ka talaga.” Tinapik pa ni Manny ang likod ni Prince.

“Mahal ko sya pare. Ibang-iba sya sa lahat ng nakilala kong babae. Si Candys na ‘yung the one ko. Bakit ba kasi ako nakipagpustahan sayo? Alam ko naman na malaki ang posibilidad na mahuhulog din ang loob ko sa kanya?”

“Kahit mukha syang nerd?” Tanong ni Manny.

“Oo. Dahil ang kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo.”

“Naks! Pang Prince Charming talaga ang datingan mo ‘no?”

“Ayos ba?” Itinaas baba pa ni Prince ang kilay nya.

“Ok sa olrayt! Ano pang ginagawa mo? Puntahan mo na si Candys, makipagbalikan ka sa kanya katulad ng ginagawa ng mga katulad mong nakipagpustahan, natalo, at ngayon ay nagsisisi dahil narealize nilang mahal pala talaga nila yung pinag-tripan nila. Alis na.” Napatingin si Prince sa best friend nya at napangiti. Tinapik nya sa balikat si Manny.


“Thanks man.” Saka sya tumayo at tumakbo palayo.

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon