KALOKOHAN 30

6.5K 403 146
                                    

KALOKOHAN 30

Sa sobrang tagal ng update kinailangan pang mag-backread ng writer. At para marefresh din ang memory nyo sa mga nangyari, magbackread din kayo!

Basta ang last chapter, nabunggo si Candys.

At ito na nga...

Halos 11 months nang nakabulagta sa kalsada si Candys dahil sa pagkakabunggo nya. Inabutan na sya dun ng pasko, bagong taon, three kings, valentine's day, Chinese new year, graduation, holy week, labor day, independence day, National Heroes day, Halloween, Bonifacio day at napakaraming bagyo. Thank God hindi sya binaha!

Nakapag-move on na lahat ng kaibigan kong broken hearted, hindi pa rin sya gumagalaw. The girl who can't be moved ata ang drama! Nandun lang sya, nakahiga, duguan, pero pretty pa din. Ganon katindi ang pagkakamake-over sa kanya. Meynteyn!

"CANDYYYYYYS!" Sigaw ni Prince Sipe habang umiiyak. Halos mapaos na sya kakasigaw, muntik na nga syang ma-dehydrate. Buti na lang boyscout at laging handa itong si Prince Sipe, madaming naipong tubig ulan nung bumagyo at madami ding laway na naipon sa loob ng halos labing isang buwan.

"Naalala mo pa ba yung araw na nagkakilala tayo? Yung unang kantang kinanta natin noon? Yung unang date natin? Sorry Candys, hindi ko naman akalaing masasaktan kita kapag pinagpustahan ka namin. Pero diba nakatulong naman yun sayo? Biruin mo, dahil doon, natupad ang pangarap mong makeover!" Niyugyog pa nya si Candys nagbabakasakaling magising. Hindi nya man lang naisip dahilhin sa ospital. Edi sana, matagal na syang gumaling. Mas pinili nya pang mag-reminisce!

Minsan talaga hindi sapat yung gwapo ka lang e. Dapat may utak ka din.

Naawa na ang writer kay Candys kaya biglang sa ospital na agad ang setting. Hindi na nya kasi ma-take, konting-konti na lang uuudin na ang fictional character nya.

Sa ospital, busy ang lahat sa pag-aasikaso kay Candys. Hindi naman mapakali si Prince Sipe sa paghihintay sa resulta. At kung hinahanap nyo yung nakabangga, wala, tumakas na. Nakamove on na sya sa mga nangyari. Sa sobrang tagal nga, nagkapamilya na sya! Hinayaan na lang ni Prince Sipe, in-invite pa nga sya sa kasal nito. Hit and run ang theme nung kasal, para makasama din si Candys. Pasasalamat na din ng bagong kasal sa kanya yun dahil kung hindi sya nabangga, hindi sana magkakakilala si Kuya Boy si Ate Girl na usisera. Ayun, na love at first sight yung dalawa, nagpakasal agad-agad.

Nakayuko si Prince habang nakaupo, at balisang-balisa. Pinagdarasal na sana ok lang ang babaeng sinisinta. Poised na poised naman na naglalakad palapit sa kanya si Shashall. Walang pag-aalala sa mukha. Naka-shades pa nga! Ito kasi ang unang taong tinext nya tungkol kay Candys since, naging magkaibigan din naman sila nito kahit paano. At same sila ng mobile network na gamit. Wala kasi syang pantext sa ibang network.

"Prince..." tawag sa kanya ni Shashall saka hinimas ang braso. Syempre may malisya.

Dahan-dahang lumingon sa kanya si Prince. Naturn off naman ng konti si Shashall nung makita ang haggard na mukha nito. Sabay tanggal ng kamay sa braso.

"Shashall..." sabay yakap sa dalaga. Syempre may malisya din ng slight.

Maya-maya lang dumating na ang doctor na wag na nating pangalanan pa.

"Ehem." Pagpaparamdam nito.

"Kamusta na po si Candys?" nag-aalalang tanong ni Prince.

"Ok na sya. Pwede nyo na syang puntahan." Sabi ng doctor. Madali naman silang kausap kaya pinuntahan na nila si Candys.

Nasa pintuan pa lang sila naririnig na nila ang boses nito.

"Nasan ako?" nagtatakang tanong nito habang pinagmamasdan ang paligid.

"Candys..." Dali-daling lumapit si Prince sa kanya.

"Sino ka? Sinong Candys?" kunot noong tanong ni Candys. Napatingin din sya sa kasamang babae ni Prince.

"Sino sya?" sabay turo kay Shashall.

Naguguluhan naman si Prince sa nangyayari. Hinawakan nya ang kamay ni Candys.

"Wala ka bang maalala?" tanong pa nito. Umiling-iling lang si Candys.

"O to the M to the G! Don't tell me you have some kind of amnesia?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Shashall.

"Huh? Amnesia? Ano yun?" Tanong ni Candys. Nabobo na ata.

"Wala ka ba talagang maalala?" tanong ulit ni Prince.

"Sino ba kayo? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Bakit ako may benda sa ulo? Sino ako?" naguguluhang tanong ni Candys. Takang-taka sa mga nangyayari.

"Oh my God! This is sooooooo cool!" tuwang-tuwang sabi ni Shashall.

"Cool? Wala na nga akong maalala, cool pa?" apela ni Candys.

"Hello?! It's rare to have a friend with amnesia 'noh! Be positive nga! Minsan ka lang magka-amnesia, sulitin mo na! At least ikaw you've given a chance to forget something you don't want to remember. Unlike the others na nagpapakalasing pa para makalimot. Diba? You can start a new life!" pagchecheer pa ni Shashall.

Napatango-tango naman si Candys. Unti-unting tinaggap ang pagkakaroon nya ng amnesia. Lihim namang napangiti si Prince Sipe sa paliwanag ni Shashall.

PRINCE SIPE POV

Kung totoo ngang may amnesia si Candys Bilad, ibig sabihin abswelto na ako sa panlolokong ginawa ko sa kanya. Mwahahahahaha!



The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon