KALOKOHAN 16 (Unexpected nga ba?)

17.7K 893 103
                                    

Sa sobrang tagal ng update sa buhay ni Mitch, napagod na sya kakahanap sa tatay ng baby nya. Halos gabi-gabi sya sa iba’t-ibang bars para lang mahanap ang lalaking nakabuntis sa kanya. At ngayon nga…sumuko na sya.

“Baby, mukang tayo na lang hanggang dulo. Sorry ha, malandi kasi mommy mo eh. Hindi ko kilala yung tatay mo. Pero ok lang yan, sanay na naman ang Watty Land sa ganitong sitwasyon. Teenage and single mom ang peg ko.” hinimas-himas pa ni Mitch ang tyan nya.

Napagdesisyunan na lamang nyang pumasok ulit sa School pagkatapos ng ilang linggong pag-absent. Ok lang naman yun sa School nya dahil hindi naman nakafocus ang readers sa academics ng mga bida kaya kahit di sila pumasok ng ilang linggo o bwuan ayos lang.

Ok moving on...


Hindi maipagkaka-ilang maganda si Mitch, pang-model ang pormahan, isa sa mga sikat na ‘bitch’ sa School niya.


Hindi din sya sigurado kung bakit sya tinaguriang 'bitch'. Ewan din ni writer basta dapat may bitch syang character para kumpleto ang kwento kahit malabo ang description at madalas hindi mapanindigan hanggang dulo.

At dahil ‘bitch’ dire-diretsyo lang syang pumasok sa classroom nya at binalewala ang nagtuturong guro.

Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Keber naman nya. Para syang model na rumampa sa harapan ng lahat hanggang sa makahanap ng bakanteng upuan.


"You’re late.” puna ng guro.



‘OMG! Kilala ko ang boses na ‘yun!’

Agad namang napa-angat ang ulo ni Mitch. Saktong nakatingin sa kanya ang guro at napatunganga sya noong maalala kung saan nya narinig ang boses na ‘yun.

“Sir? Ikaw?” Gulat na tanong nya at OA na itinuro ang gwapo, hot, at may abs na guro!


Oo kahit nakapolo alam nyang may abs yun. Duh? Wattpad to. Lahat ng bidang lalaki dito may abs. Required yun.


Come to think of it, ang hirap palang maging Wattpad characters. Daming requirements!

“Ako nga….I’m your new Professor.” sagot ng may isang dosenang  pandesal na Prof.

Laglag panga naman si Mitch.

Hindi pwedeng magkamali si Mitch, kilala nya ang nasa harapan nya.


'The new professor is my…kalandian?’ sa loob loob ni Mitch.

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon