KALOKOHAN 14 (Ang walang katapusang REVENGE)

19.2K 1K 141
                                    

A/N: May readers pa ba ako dito? Ajujujuju. Sorry na kung super duper mega over sa tagal ng update. Hindi lang naman Wattpad ang buhay ko eh. Ajujujuju. *insert more paawa sentences here* *cry* *cry* *cry*

****

Dinala ni Shashall si Candys sa rooftop, ang common na tagpuan ng lahat ng estudyante sa Watty Land. Napa-isip tuloy si Writer kung sa iisang school lang ba nag-aral ang lahat ng estudyanteng characters sa Wattpad.


Kayo din ba napa-isip?

Uy, napa- 'oo nga no?' sila.


Ok....moving on....


"Anong kailangan mo sa akin?" May halong kaba na tanong ni Candys.

Nakarating na sila't lahat sa paroroonan ngayon lang nya naisipang magtanong.

#medyolatereactionanggaga


Lumingon si Shashall sa kanya at hinawi ang buhok na pang-commercial sa sobrang ganda.

"Alam ko ang ginawa sayo ni Prince." Panimula nito.

"Huwag ka ngang magmura! Ayoko nang marinig ang pangalan nya!" may halong bitterness na sabi ni Candys at tinagpan pa ang magkabilang tenga.

"Nino? Ni Prince?"

"Inulit pa! Sige, saktan mo pa ako katulad nang ginawa nya! Ajujujuju." Humikbi-hikbi pa si Candys para may effect.

"Prince. Prince. Prince. Prince."

"Stopppppppppppp! Tama na! Ang sakit sakit na!"

Mabilis namang naawa si Shashall sa kanya at agad na umisip ng alternatibong pangalan o codename.

"Sige, itago na lang natin sya sa pangalang.....jerk? Tutal naman, manloloko sya at lahat ng lalaking manloloko sa Wattpad ay jerk!" Galit na galit na sabi ni Shashall na mabilis sinang-ayunan ni Candys.



Taray! High School pa lang, may pa-jerk-jerk na!


"Bakit parang may hugot yung pagtawag mo sa kanya ng jerk?" Pagtataka ni Candys.

"Dahil tulad mo..."

Long Pause.

Tumalikod si Shashall. Naglakad hanggang sa dulo nang walang hanggan. Tumingin sa malayo. Biglang magpla-play sa background ang makabagbag damdaming 'Pusong Bato' habang inaalala nya ang lahat nang nangyari noon.

Unti-unting haharap kay Candys na luhaan. Suminghot muna bago tuluyang magsalita.

"Niloko nya din ako!" Sabay hawak sa dibdib at himagulgol.

Wa poise!

"Ay? Hashtag relate? Apir!" Tumakbo palapit si Candys sa humahagulgol na si Shashall at nakipag-high five saka sila nagkwentuhan.

"Di ba? Ang kapal ng mukha nya!"

"Sobang kapal! Mas makapal pa sa pader!"

"Grabe, pinagpustahan ka din ba nya?"

"Oo, hudas na yun! Ang ganda-ganda ng pangala  nya tapos jerk naman pala!"

"I so hate him na."

"Gaano kayo katagal?"

"One month. Eh kayo?"

"Ay, kami two months. Hihihihihi."

"Buti pa kayo."

>3<

Pagkatapos ng palitan ng impormasyon....

"Dahil lang ba doon kaya mo ko pinasunod dito?" Tanong ni Candys.

"Nope." Maarteng sabi ni Shashall.

"Eh bakit?"

"Ano ka ba? Are you sure you're from Watty Land? Bakit hindi mo alam ang next scene?" May halong pagkairitang sabi ni Shashall.

"Sorry na, busy ako sa make-over ko."

>3<

"Exactly! Hindi makukumpleto ang make-over mo kung walang revenge na mangyayari! D to the U to the H?!"

"Ay? Ganon pala yun. So anong plano?" Excited na tanong ni Candys.

"Abangan sa mga susunod na kabanata. Ahihihihihihi."

*******

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon