MVW # 18

69.1K 884 104
                                    

Author's Note:

Pagod sa work pero nagupdate pa din :) Ganoon ko kayo kamahal :) Love you! Wee. And kaya pala kayo natatawa sa Last Chapter yung 'Rhodora X' hindi kasi ako channel 7 ngayon ko lang nalaman na may palabas pa lang ganon.

----------------

MVW # 18

<Polly's POV>

"It was Mrs. Rhodora Xerxes of XRX Group of Companies..... Mint's Mother."

Hinihingal akong nagpakita ng ID sa Security Guard ng Bldg namin bago ako pumasok.

Bigla akong kinabahan sa mga sinabi ni Kuya. Totoo ba? Hindi ko nararamdaman lahat ng mga pakulo ng Mama ni Mint kasi ang mga sinisira niya yung mga kaibigan ko.

Habang nagiging maayos ako, at ang pamilya ka. Unti-unting nasisira ang mga kinabukasan ng mga taong mahahalaga at nakapaligid sa akin.

Pinindot ko ang 14th Floor ng makapasok ako ng Elevator. Nandoon kasi ang office namin. Natakot kasi ako sa sinabi ni Kuya na baka pati mga Co-Workers ko sa Magazine ay madamay.

Hindi naman ata Fair yun. Bakit pati mga kaibigan ko dinadamay nila? Bakit hindi ako?

Tss. Mint's Mother knows how to play her cards very well. Hindi kagaya ng ibang villain sa kwento or telenovela, hindi ako ang target niya para pahirapan.

Target niya yung mga kaibigan kong nanahimik. Para nga naman makonsensya ako na ako ang may kasalanan kung bakit nawalan sila ng Trabaho.

Naikuyom ko yung kamao ko. Ang galing talaga. Nasasaktan na niya yung mga kaibigan ko. Nasasaktan din ako emotionally.

Ang talino talaga.

Lumabas agad ako ng elevator at lakad takbong pumunta sa office ko. Lihim akong napadasal. Wala pa sanang nangyayari na kakaiba sa trabaho ko.

Pero nagkamali ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko dalawa sa Contributors ko ang nagliligpit ng desk nila.

"This is so unfair." Napatingin ako sa kaliwa ko. Kumpol-kumpol sila doon. Habang inaalo ang kikay naming fashion & beauty assistant na si Cooleen. "Tatanggalin nila ako dahil sa sinabi ng isang tao. Unfair!" Pumapahid-pahid pa ito ng panyo nito. "Okay sana kung tinanggal ako dahil may nagawa akong mali eh! Pero wala naman. Maayos akong nagtatrabaho dito. Diba?" Umiiyak pa din ito.

Unti-unting lumapit ako sa kanila. Mukhang napansin din ako ng iba kaya lumingon sila sa akin. Pati si Cooleen ay tumayo at lumapit sa akin.

"Ma'am Polly. Nakita mo na ba yung mga taong tinanggal ngayon lang? Wala silang reason kung bakit kami tinanggal."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon