MVW # 7

75.4K 1.1K 141
                                    

Sorry po sa LATE UPDATE! Walang NET :(

----

MVW ## 7

"Mint Xerxes.."

Wala sa sariling nabanggit ko yung pangalan niya. Sa totoo lang sinabi ko yung pangalan niya para makasiguradong siya nga iyong nakikita ng dalawang mata ko.

Nakakapagtaka naman diba? Anong gagawin niya sa school? Worst, dito pa sa Memorable Place namin dalawa? Alam niyo iyon? Hindi ko akalain ng mismong NGAYONG ARAW ko siyj makikita.

Tinantya ko yung sarili ko. Pinigilan kong huwag niyang makita na sa lahat ng galit na tinanim ko sa kanya. Meron pa rin kahit papaanong pananabik na makita siya.

Muli ko siyang tiningnan. Walang emosyon ang mga mukha nito. Titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya ngayon na nagkita kami.

Wala pa rin nagbago sa kanya, bukod sa tumangkad pa lalo siya at lumago ang mga buhok niya.. buhok sa itaas ha? Baka kung ano-anong buhok nanaman ang inisip niyo.

Napailing ako. Teka, bakit parang bumabalik nanaman ako sa dati. No. No. Just NO.

"Nice to see you...." Ngumiti ito. Pero hindi kagaya ng dati. Parang nakakaasar ang mga ngiti niya.. "...again, Ms. President."

"Don't call me Ms. President."

"Bakit?" Unti-unti itong lumapit sa akin. Matalim lang din ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Don't you miss the way I say your nickname..." Lumapit ito sa akin na para bang hahalikan niya ako pero hinanda ko yung reflex ko na sasampalin ko siya sa oras na halikan niya ako. Pero sa kabutihang palad nilapit nito ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Do you still remeber me, Ms. Writer?"

Feeling ko nanlambot ang mga tuhod ko ng maramdaman ko yung hininga niya sa balikat ko bago siya lumayo sa akin.

"Alam mo naman na hinding-hindi kita makakalimutan, Mr. Mint Xerxes."

"Good to hear that. Kasi ako..." Tumalim din ang mga mata nito. "Gustong gusto na kitang kalimutan."

Bakit parang nararamdaman kong galit siya sa akin? Tss. So siya pa ang may karapatang magalit after all these years.

Dinaanan niya ako at pumunta sa tapat ng pintuan kung saan ako nakatingin kanina. Tiningnan ko ang likod niya.

Broad Shoulders. Sobrang nagmatured na siya. Panigurado hindi lang iisang babae ang naikakama nito araw-araw.

"No Entry. Polly and Mint's Corner." Nagsmirk ito at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "BitterSweet Memories, Mr. President?" Lumingon ito.

"Not BitterSweet Memories." Naging seryoso ako. "Only BITTER memories." Inemphasize ko talaga yung BITTER para maramdaman niyang pinagsisisihan kong makilala ko siya. "Buti buhay ka pa?"

"Hmmm.." Humarap ito sa akin. "Siguro kasi may purpose pa para hindi ako mamatay."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon