MVW # 13

82.5K 1.2K 154
                                    

Dedicated to Ms. Megumi Shirota. Kaagaw ko kay Yuu Shirota :) Lol!  Gumawa siya ng Video and Interview ng Characters. Natuwa talaga ako. Sobra. Mahal ko na siya :) Char! Thank you so much! Sa mga sponsor diyan kagaya nung kantahan namin ni 'Kei' at Tshirt from 'Joanna' Hahaha! Push niyo iyan! :) Happy Hearts Day Everyone! I love you Yu Shirota!

HASHTAG: #FridayThe14th

PS: Kung gusto niyo makita yung Video nasa Group lang! :D Sali na nasa Profile ang ko ang LINK!

----------------------

MVW # 13

<Mint's POV>

"Mama?"

Parehas pa kaming napatingin ni Polly sa isa't isa ng biglang nagsalita si Chill.

Pagkatapos nung mga eksena sa labas ng bahay nila kanina. Nagpasya si Polly na papasukin din ako sa bahay nila.

At ngayon, kaharap ko si Polly at katabi ang anak ko, si Chill.

Lumipat ang tingin ko sa batang parang Girl Version ko. Nakita ko na siya dati sa Mall, hindi ko alam kung bakit biglang parang may kusa ang mga paa kong lumapit sa kanya at nung hinalikan at niyakap niya ako. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam pero biglang nawala ang galit ko nung araw na iyon.

At alam ko na kung bakit. Lukso ng Dugo.

"Bakit, Anak?" Tanong ni Polly.

"Totoo po ba yung sinabi ni Sir Mint? Siya po ba ang Papa ko?"

Papa. Pinigilan ko ang sarili kong huwag sugurin ng yakap si Chill. Parang biglang isang iglap nagbago ang buhay ko at iyon ay nang dahil sa kanya.

Napansin kong tumingin sa akin si Polly. Pagkatapos ay tumingin kay Chill.

"Chill, Anak.." Lumuhod ito sa nakaupong si Chill bago hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Do you remember your wish when you turned 3 years old?"

"Mama, that's my greatest wish. Every Birthday ko po iyon yung hinihiling ko." Ngumiti si Polly sa kanya.

Habang tinitingnan ko sila ngayon parang bigla kong naisip kung hindi ko iniwan si Polly nung panahon na dapat kailangan niya ako.

Siguro kung nandoon ako sa tabi niya at sinabi niyang may anak siya at ako ang Ama.. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, magtatalon ba or mapapahiyaw sa saya.

Siguro tuwing Birthday ni Chill ako ang may hawak sa kanya. Katabi ko naman si Polly habang sabay-sabay namin hihipan ang birthday cake niya.

Kapag nagalit si Polly sa akin gagamitin ko si Chill para magkabati kami at hindi makakahindi si Polly kasi masyado niyang mahal ang anak namin.

Tapos pagdadating ako galing trabaho. Makikita ko silang dalawa sa kwarto at nagpupuyat para sa akin. Tapos tititigan ko lang silang dalawa matulog hanggang sa magsawa ako. Kasi habang tinitingnan ko sila, nawawala ang pagod ko at bigla ko na lang masasabi 'Kuntento na ako.'

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon