MVW # 10

75.5K 1.2K 205
                                    

------------

MVW # 10

<Polly's POV>

"Mint! No! Nasasaktan ako!"

Sumisigaw ako halos wala siyang naririnig. Hindi. Hindi si Mint ang nakikita ko ngayon. Halos lahat ng ipinapakita niya sa akin, kintatakutan ko.

"Mint! Itigil mo na ito! Please!" Tumingala ako. Bumababa ang halik niya papuntang dibdib ko. Pinipigilan kong umiyak. Ayoko.. Ayoko ng ginagawa niya.

Wala akong nagawa kundi pumikit at sumigaw na tigilan niya ang ginagawa niya. Pero ilang sandali lang tumigil ako sa pagpalag. Binitawan niya yung isa kong kamay at inalis ang mga butones ng polo ko.

"Masaya ka na ba?" Wala sa sariling sabi ko dahilan para tumigil siya. "Masaya ka na?"

Unti-unti itong tumingin sa akin. Medyo huminahon siya. Pero nararamdaman kong nagpipigil siya.

"Oo, kaya mong kunin yung katawan ko. Sige sayo na.. Pero kung akala mo kaya mo akong pabalikin sayo, hinding-hindi mangyayari iyon."

Nakita kong nagtiim ang mga panga nito. Galit siya.

"Argh!" Sumigaw siya saka niya ako binitawan. "Bakit mo ko ginawang ganito?! Bakit?! Bakit hindi ka mawala sa sistema ko!"

"Wala akong ginagawa sayo! Ikaw ang may ginawa sa ating dalawa!"

Napabaling-baling ito saka sinuklay ang buhok niya.

"Hinintay kita, Mint." Huminto ito sa sinabi ko saka tumingin sa akin. "Hinintay kita.."

"Pero hindi ka nakapaghintay.. Humanap ka ng iba."

"Hindi ako humanap ng iba, Mint." Naramdaman ko yung luha na lumandas sa pisngi ko. "Ikaw, ikaw ang naghanap ng iba. Naghihintay ako sa Wala." Sunod-sunod na tumulo yung luha ko. "Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng nalaman kong natuloy yung engagement party mo kay Canneide. Sabi mo, babalik ka. At sa pagbalik mong iyon. Pakakasalan mo ako kahit wala akong kasiguraduhan doon.. Kaya nga sinagot ko yung tanong mo bago ka umalis diba? Kasi may TIWALA ako sa iyo. At sana kahit katiting lang na Tiwala nagbigay ka din sa akin."

"Anong akala mo, Polly? Hindi kita pinagkatiwalaan? Hindi ako tutuloy sa engagement party na iyon kung hindi ng dahil sayo!"

"Ako?!" Lumapit ako dito saka tinulak at balikat niya. "Ako ang dahilan?! Mint! Wala akong kasalanan sayo."

"Wala? Eh ano iyong mga pictures na ipinadala mo sa akin?"

Bigla akong naguluhan. Natigilan ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Pictures?"

"Playing innocent, Polly?" Nagsmirked ito. "Naghahalikan kayo ni Terrence sa Restaurant, may hawak na isang baby sa Mall.. Masayang family, habang ako miserable sa ibang bansa kakaisip sayo at kung anong ginagawa niyo ni Terrence. Ano?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko. "Magsisinungaling ka pa ba?" Binitawan nito yung mukha ko. "Huwag mo akong iyakan, Polly, walang magagawa iyang luha mo."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon