Member's Profile

628 44 250
                                    

Half-Blooded

@azraelle Mina Tepes

Itinakwil ng mga kalahi nya dahil pagiging kalahating bampira at kalahating mage. Hindi iyon matanggap ng magkabilang lahi kaya naman namuhay sya mag-isa sa mahabang panahon. Wala rin syang mga kaibigan o kakilala manlang dahil mas gusto nyang mapag-isa at ayaw nya ng may umaabala sa kanya. Sa pagpasok ni Mina sa guild magkaroon kaya sya ng mga kaibigan o kaaway?

@iamonej Shao Jhiin Melendrez mage/ninja

Lumaking masiyahin at matulungin si Jhin kahit na alam nyang ampon lang sya itinuring naman syang tunay na anak ng amo nya. Pero dahil sa paglabas totoo nyang katauhan namatay ang kanyang ama-amahan. Dahil don ay pinalayas sya ng asawa nitong matagal nang gustong mawala sya sa buhay nila. Kung mapapadpad si Jhin sa guild ano kaya ang mahahanap nya? Kaibigan, pag-ibig o kaaway?

@kirago31 Kira Zhuna

Magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata dahil sa pagiging half-blooded nya. Ang kaliwa ay kulay abo tanda ng pagiging ninja nya at pula naman sa kanan tanda ng pagiging bampira nya. Madalas syang seryoso at hindi namamansin nganit kapag nakasundo mo malalaman mong mabait sya at may bukal na puso. Matanggap kaya sya ng kanyang amang ninja kung magiging parte sya ng guild?

@RadixGrayCe Katania Mae "Kat" Suarez

Nanggaling sya sa mapanghusgang pamilya at walang tiwala sa kanya. Bata palang ay lagi nang ikinukumpara sa ate nya kaya naman natuto syang magsikap at magpalakas upang mapatunayan ang kanyang sarili. Sa pagpasok nya sa bagong mundo sa loob ng guild, mapatunayan na kaya nya ang kanyang sarili o magdudulot ito ng kanyang kamatayan?

@HernameisJyan Patricia Kathelia Estose

Sya ang nakatatandang kapatid ni Kat. Nanggaling sila sa angkan ng mga werewolf at ninja. Sa kanilang angkan sya ang tinitingala, pinapahalagahan at higit sa lahat pinaka magaling. Sa pagsasama nila ng kanyang kapatid sa iisang guild makahanap na kaya sya ng kanyang katapat?

@lysaanilep Ashley Snow

Masiyahin at makulit na kalahating bampira at kalahating ninja. Lumaki sya sa guild kasama ang kanyang ama. Yan lang ang inpormasyong maibibigay sa kanya dahil maski sya hindi nya alam kung ano sya. Sino ba syang talaga at ano ang kanyang tunay na pagkatao?

Werewolf

@miss_ysai Sophia Margaux "SM" Cuatriz

Isa syang werewolf na pinalaki ng mga tao kaya naman wala syang kaalam-alam sa kanyang tunay na pagkatao. Nang tumuntong sya sa kanyang ika-labing walong kaarawan ay lumabas ang kanyang tunay na pagkatao, natakot ang lahat sa kanya at pinalayas sya ng mga ito. Sa pagharap nya sa kanyang mga kauri sa guild, makahanap na kaya sya ng totoong pamilya?

@LAWREIGNium Nackacka Raine Dee

Werewolf na walang inaatrasan, matapang at palaban. Nais ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki nganit hindi iyon nangyari kaya naman nang mamatay ang kanyang ina itinuring at pinalaki sya nito na parang lalaki. Matuto kaya syang magpakababae kung makakahanap sya ng mamahalin sa guild?

Bloodline's GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon