TheCatWhoDoesntMeow's Character Messages

3.7K 150 191
                                    

CHARACTER'S MESSAGES TO READERS, ETC.


Hello! This is TheCatWhoDoesntMeow at may ipinaaabot na messages ang ilang mga characters ko kung kani-kanino. Naka-codename per message para raw mysterious. Haha. Hulaan n'yo na lang kung sinu-sino sila. Game!


(Clue: Magkakabarkada)


FROM: Di-Ka-Na-Pinapansin-Pero-Mahal-Mo-Pa-Rin
TO: Mga facebook friends na mahilig mag-send ng messages

I don't usually answer private messages nor reply back to comments. I don't want to give girls the wrong idea that I will be there the next time they want to talk. It's wrong, lalo na kung di ko naman mapapanindigan. Ayoko namang gumaya sa crush mo na pinapakilig ka lang pero hindi ka nililigawan. Hahahahaha. Hindi ako nagpo-promote ng panandaliang kilig.

Pero ang cute din nung mga nagme-message at panay ang mention kahit walang napapala. May pananampalataya. Hahahaha. #IbaDin

Ang sarap bentahan ng scalpel. :D

Sa mga panay tanong sa inbox ko, wag nyong madaliin ang pag-ibig. Mahahanap din kayo niyan. Habang wala pa, be sane. You, whoever you are, will be worth a guy's quest. Geh. :D


FROM: Puro-Seen-Kahit-Masakit
TO: Mga facebook friends na nasi-seen at kumakapit sa modus

Intentional yung pangsi-seen ko minsan. Madalas pala. Sorry. Nasanay kasi akong mag-check ng messages kahit wala naman ako sa mood mag-reply. Hahaha. It's bad of me but I'm curious kung anong sasabihin sakin. Madalas nga lang, hindi ko rin alam sagutin kaya yun... hanggang seen lang. I don't do flirting maliban kung yung gusto kong bakuran.

Pero thank you sa mga messages. Nakakatuwa kahit naglaganap ang modus ng 'Do you like Messi?'. Haha. 

Do I like Messi? Do I like anything? Simple lang ang sagot: Iisa lang ang gusto ko. At nabakuran ko na, kaya lakumpaki na sa iba. Hahahaha. XD


FROM: Walang-Kibo-Walang-Paki
TO: ALL

Wala akong message. Matagal na kong masaya. ^___^V


FROM: Gwapo-Genius-Pinagpala-Humble-Na-Bathala
TO: ALL

Hi, fans! Sobrang itinago ko yung identity ko sa codename ko para hindi nyo ko makilala. Hahahahaha. Ilang bagay lang naman ang sasabihin ko...

Sa mga single at gustong mag-donate ng puso nilang nasawi, may promo ako para sa libreng pag-harvest niyan. Wag mo nang ipagpilitang ibigay kay crush kasi hindi naman tinatanggap. Hahahahaha. Sayang effort mo. Ibigay mo na lang sa medisina, malaki pa ang pakinabang niyan. (Kung kasama ka sa mga pusong bato, okay lang. Reremedyuhan ko na lang). :DDDD

Sa mga may girlfriend o boyfriend at masaya sa buhay nila... #Lakumpaki. Mas masaya ako sa tunay kong pag-ibig. HAHAHAHAHAHA. Pakasaya kayo kung may forever kayo! HAHAHAHAHA.

Sa mga hindi maka-move on sakin, makaka-move on din kayo after 50-60 years. Ipinagdadasal kong mabawasan yung sentensiya ng alindog ko sa inyo, kahit one year lang. Para hindi naman kayo masyadong malugi. HAHAHAHAHA.

Sa inyo na malulungkot ang buhay... pambihira kayo. Magbasa kayo ng kwento ni TheCatWhoDoesntMeow. Hahabaan niya ang kwento ko kapag nagbasa kayo. Sabihin nyo, nagbasa kayo dahil sakin, ha? Hahahahahaha.

At sa pinakamamahal kong binibini, lakumpaki kung saan mapo-post tong message na to. I LOVE YOUUUUUUUUUUUU ß- Mainggit kayo, mga singleeeeee! HAHAHAHAHAHA.

Wattpad Filipino Block Party 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon