Cecelib's New Story Chapter

34.6K 4.3K 4.9K
                                    

NATHANIEL MORETTI


NATE squeezed his eyes shut as he slid himself into the driver's seat of his car. Malakas siyang napabuntong-hininga ng makaupo sa driver's seat at binubuhay ang makina ng sasakyan. Nang mapausad niya ang kotse, kaagad niyang inapakan ang selenyador at pinaharurot iyon.

"Fuck." Mahina niyang pagmumura saka inilabas mula sa bulsa ng suot niyang leather jacket ang USB na siyang dahilan ng natamo niyang saksak. "Fuck... Fuck..." Walang pakialam na itinapon niya sa dashboard ang USB, "I can't believe i'm doing this for one hundred thousand pesos only." Bulong niya sa sarili habang pinipilig ang ulo. "This is so fucked up. I am so not doing this again."

'Boss, you're two block aways from the nearest hospital.' Anang boses na nanggagaling sa earpiece na nasa tainga niya. 'Malala ba ang sugat mo?'

"Nah." Bumuga siya ng marahas na hangin, "its just a stab wound but i'm bleeding out." Nahigit niya ang hininga ng naipit niya ang sugat, "fuck... At this rate, i'll die with too much blood loss. Kailangan matahi ang sugat ko, ayokong mamatay na maputla dahil kulang ako sa dugo. I would look ugly in my own funeral." He tsked. "I'm too handsome to die, darn it."

Tumawa ang nasa kabilang linya ng earpiece na suot niya, "boss naman, huwag kang magsalita ng ganiyan. Mawawalan ako ng trabaho kapag namatay ka, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho na kasing laki ng sinasahod ko ngayon."

Nate rolled his eyes in annoyance, "shut your mouth, Nick. Mas lalong marami ang dugong nawawala sakin dahil sa nakakairita mong boses."

Tumawa lang si Nick. "Come on, boss, don't be so melodramatic, malapit ka na sa Hospital. Just a little more. Masamang damo ka, kaya hindi ka mamamatay kaagad."

Napailing nalang si Nate saka mabilis na ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng Hospital bago lumabas ng kotse at naglakad habang sapo ang sugat sa may tagiliran.

"Fuck." Panay ang mura niya sa bawat hakbang, "i cant believe that i'm suffering this kind of pain for one hundred thousand pesos." Hindi talaga niya matanggap na nararanasan niya ang ganitong uri ng sakit dahil lang sa kaunting halagang pera. "Bakit ko ba kasi tinanggap ang trabahong 'to? Fuck. I really should stop accepting low paying job like this." Pagkausap niya sa sarili.

Naiiritang tinanggal niya ang telang nakatakip sa ilong niya pababa sa bibig at baba niya saka ibinulsa 'yon at patuloy na naglakad.

"Fuck. Fuck. Fuck." Sunod-sunod niyang mura habang papasok sa E.R.

"Suck it in, boss." Tumatawang sabi ni Nick sa kabilang linya, ni walang pag-aalala ito sa boses nito, "kaya mo yan."

"Easy for you to say." Pumasok siya sa emergency room ng hospital, "hindi naman ikaw ang nasaksak, gago." Huminga siya ng malalim, "pagkabalik ko riyan sa HQ, sasaksakin talaga kita ng maranasan mo ang sakit na nararanasan ko ngayon."

Tumawa lang si Nick. "You're so melodramatic, boss." Kapagkuwan ay sumeryuso ang boses nito, "anyway, you're in the Romero's Hospital Main Branch. Hindi mo puwedeng sabihin ang totoo kung bakit ka nasaksak--"

"Sa tingin mo hindi ko 'yon alam? Sakalin kita riyan e." Nag-uumpisa na siyang mairita sa boses ni Nick. "Shut up or else i will really kill you later." Pagbabanta niya rito.

Nick being Nick, he just laughed. "Copy that boss."

Mahina siyang napaigik kapagkuwan ay dahan-dahan niyang ihiniga ang sarili sa bakanteng higaan na naroon sa ER.

"Fuck..." Pabulong ulit niyang mura habang nakapikit ang mga mata at hinintay ang Nurse o Doctor na asikasohin siya "i can't believe this--"

"Saan ang masakit sayo, Sir?" Anang babaeng boses na nagpatigil sa kaniya sa pagmumura at minulat niya ang mga mata.

Wattpad Filipino Block Party 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon