Game 2- False Alarm

71.5K 971 352
                                    

Natuloy kami sa pamamasyal ni Ryan dito, kahit saan gala kami ng gala, okay lang naman kahit cheap basta't holding hands kami, hihi landi. huli naming pinuntahan ay isang amusement park, masaya naman sana, kaso minsan nadidistract parin ako eh..

"Ryan! Paheram ng phone, please?" nagpupuppy eyes ako sakanya, for short nagpapacute.

"Para saan ba? Kanina ka pa hiram ng hiram eh" nakakunot ang kanyang kilay, medyo nababadtrip narin ang kanyang boses.

"Please? Basta kailangan ko lang talaga" pagpipilit ko, nagbuntong hininga muna siya bago niya ibigay phone niya saakin.

"Thank you!" in-open ko narin ang laro at nagsisimulang magtap ulit. Hininaan ko volume syempre, baka mamaya magtampo pa 'yan saakin dahil nagfaflappy bird nanaman ako.

"Tara punta tayo dun" pagtuturo niya sa isang direksyon.

Lumingon nadin ako at nakita ko ung ferris wheel. "Huh? Sasakay tayo dun?"

"Oo, dali! Tayo ka na dyan" hinawakan niya ang kamay ko sabay hila saakin papunta doon. Pinresenta namin ang 'ticket bracelet' namin kumbaga, ride-all-you-can! Buti nalang ang bait ng boyfriend ko at alam niya kung saan ko gusto!

"Bilisan mo na!" hinila niya ako ng medyo may pwersa kaya muntikan na akong matapilok, buti nalang at nasalo niya ako.

"Ah! Sorry" medyo binagalan niya ang paglalakad niya. Natutuwa ako sakanya,

"Haha, medyo atat?" humarap siya saakin at medyo napakamot sa batok niya.

"Hmm, eh kasi unang date natin 'to.. 'di ko pa alam kung nag-eenjoy ka.." Hala? Anu daw? Bakit hindi ako mag-eenjoy?

"Bakit naman hindi ako mag-eenjoy? Basta't kasama kita. Buo na araw ko" pinisil ko ng mahina ang kanyang pisngi, ayieee napakacute niya!

 Bigla nalang may sumira ng good mood namin..

 "Ryan! Ryan!" lumingon kami sa boses na tumatawag sakanya, "Ryan! Binge!!"

 Nakita ko ang isang babae na kagandahan pero medyo boyish ang kanyang damit, may bag pang pang elementary at nakasumbrero pa. Short Brown hair pa, Parang adik lang.

 "Oh? Bea!" ngumisi si Ryan nang mapalapit si Bea "Bakit ka nandito?"

 "Ah? Haha! Sinundan kita!" Sinundan?? Dafudge! May gusto ka ba sa boyfriend ko?? Bigla siyang lumingon saakin, "Oh, eto ba si Christine?"

 "Oo eh, bakit ka nga ba kasi nandito?" pangungulit ni Ryan, teka paano niya nalaman pangalan ko? At bakit feeling ko biglang chinange topic ni Ryan ung tanong? 'Di naman siguro.

 "Wala lang, trip trip lang. Sige na bye! Text text nalang mamaya!" then tumaakbo na siya paalis. Tumingin(actually nag-glare) ako kay Ryan dahil hindi niya pa ako pinapakilala sakanya.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon