Chapter19

15 1 0
                                    

(Okay medyo nag kagulo po. Mag skip muna kayo dito. Basahin nyo muna yung Chapter18 tapos balik kayo dito hahaha. Ang tanga ko kasi. Sorry. Anw, thanks :D)

-----

Tanghali na ako nagising. Bigla namang pumasok sa isip ko na tanungin sya kung ano ba talaga kami.

Nakita ko syang kumakain sa baba.

"Hindi mo ko ginising para ipagluto ka?" tanong ko

"Wag na." ang lamig ng pag kakasabi nya.

Hindi ko nalang pinansin at kumain na din.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil ang lamig ng aura. Parang hindi kami close.

Sa twing kakausapin ko sya ay parang ayaw nya ako kausapin? Anong meron?

Tska ko naman naisip na tanungin sya pero wag na muna. Tska na.pag nakabalik na kaming manila.

Nag impake na ako at wala akong naririnig mula sakanya.

Bat ang lamig nya ngayon? Usually yayakapin na nya ako e.

Hanggang sa pag alis namin ay hindi nya ako kinakausap.

Kahit sa byahe hindi nya ako kinakausap kaya nakatulog nalang ako.

"Im sorry...." anung meron?

Hinayaan ko nalang. Baka nananaginip lang ako kaya natulog ulit ako.

Nagising nalang ako nung nasa tapat na kami ng bahay namin.

Hindi manlang nya ako ginising.

Nag lakas loob na ako.

"Anong meron bat ang cold mo?"

"Wala lang" bored na sabi niya

"Ano ba talaga tayo?" biglang lumabas iyon sa bibig ko.

"Kaibigan" sabi niya na kinainis ko.

"Kaibigan? Oo nga pala. Nakalimutan kong friendship kisses lang pala yung ginagawa natin"

Tumingin sya sakin

"Mahal mo na ba ako?"

"Oo"

nangiti siya at

"Mahal mo ba ako?" tanong ko sakanya. Kinakabahan ako sa sagot nya.

Hindi siya nag salita. Hindi ko na hinintay yung sagot nya.

"Okay. Buksan mo nalang yung likod ng kotse mo at kukunin ko.na ang mga gamit ko"

Bumaba na ako ng kotse. Malay nyo nabigla lang.

Dapat pala hindi ko na tinanong. Ang awkward na tuloy.

Kahit medyo masakit ang hindi nya pag sasalita, ayus lang.

Atleast hindi nya sinabing hindi nya ako mahal. Ayos na yun no.

Hindi masyadong hard.

----

Lakad nanaman ako. Medyo pinag sisisihan ko yung confession ko. Dapat pala hindi nalang ako nag salita at hinayaan yung cold aura.

Pag kapasok ko ng school ay nakita ko silang dalawa ni Shaina.

Nagtaka naman ako kasi nag tatawanan sila. E lagi ngang nag aaway yan dahil sakin.

Napatingin si Andrew kung nasaan ako.

Ayun nanaman yung cold eyes nya. Ano bang ginawa ko?

Kumaway ako pero hindi nya ako pinansin.

Dahil ba sa confession ko kahapon? Nakakainis ha.

Imbis na pumunta akong room ay umakyat ako ng rooftop.

Nakatanga at nag sisisi ako dito.

Gusto kong sumigaw pero baka marinig nila ako.

Habang naman nakatanga ako may narinig akong paakyat dito.

Nag tago ako.

"Ginawa ko na yung pinapagawa mo" si Andrew ba yung nag salita?

"Good. Make her weaker than ever" Shaina?

Hindi na nag salita si Andrew at dahan dahan na akong bumaba.

Sino yung pinag uusapan nila?

Pag kababa ko ng rooftop ay sakto lunch na. Ganun ba ang itinagal ko sa rooftop?

Bali pumunta akong clinic dahil wala akong kasama kumain. Si Annie absent nanaman. Ang daming inaasikaso.

Dito ko sa clinic tambay tambay.

Nakatulog na nga ako e.

Nagising naman ako ng may humalik sakin.

Hindi ko madilat yung mata ko dahil may katingco!!!

"Ano ba yan!"

Pero wala akong narinig o naramdaman na tao.

Yung presence ni Andrew hindi ko mafeel.

"Ikaw pala si Zandra" sabi nung lalaki.

"Sino ka?"

"Josh. Bestfriend ni Andrew"

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon