Chapter2

34 0 0
                                    

"Yael .."  bulong nya sa sarili nya.

Naalala nyo yung kaninang sumalo sa suntok nya? Si Yael June Holo. Ex nya yun at mahal na mahal nya yung lalaking yun. Yun nga lang nalaman nyang may iba pa palang babae at ginamit lang siya dahil mayaman siya.

"Tara na Annie. Hayaan mo na sila" sabi ko at hinatak na siya paloob ng room.

Nakikita ko sa mata nya namalungkot sya at nasasaktan. Oo palaban tong babaeng to pero sobrang hina kapag yung mga mahal nya ang sinasaktan. Pero pag galit sya e kahit na mahal nya yung taong pumipigil sakanya ay hindi siya papagil. Tulad kanina. Pinigilan sya ni Yael at ako. Waepek di ba?

Habang nag kaklase nakikita ko si Annie na wala sa sarili. Naaawa din naman ako dito sa babaeng to no. Kaya gumawa ako ng paraan para makausap ko sya.

"Uhm Maam? Nahihilo daw po si Annie." sabi ko sa teacher at kapag gumaganto ako e alam na ni Annie ang balak ko.

"Okay. Annie kaya mo bang pumunta mag isa?" sabi nung teacher

"Maam, iexcuse ko po muna si Zandra. Break time ng nurse ngayon db?"

Tumango naman yung teacher at nag best actress tong si Annie hanggang sa nakapunta na kami sa clinic.

Umupo kami sa kama at yinakap nya ko agad

"Ang sakit Zandra e. Hanggang ngayon. Hindi ko matanggap na may ipinalit sya sakin at sa malandi pa. Nakakainis. Binigay ko sakanya lahat. Kulang nalang mag rebelde ako sa mga magulang ko para lang maibigay yung gusto nya"

Ganyan nya kamahal si Yael. Dumating nga sa punto na halos mag sagutan sila ng mama niya dahil kay Yael. Alam kasi ng Mom nya yung mga tipong lalaki na tulad ni Yael kaya kung paalisin nya si Yael e sobra.

"Ikaw naman kasi hindi ka nakinig sa Mom mo at sakin. Pero wag mo sisihin sarili mo. Nag mahal ka lang naman. Oo nabulag ka pero take that as a blessing. Atleast sa next relationship mo magiging bukas na ang mata mo db?" Tinatapik tapik ko yung likod nya.

"Sorry talaga Zandra. Mahal na mahal ko talaga e. Ewan ko ba. Pero mamaya samahan mo ko. May gusto lang akong gawin para matapos na ang lahat."

Ngumiti sya sakin at tumango nalang ako.

"Anyway, pasensya na nabasa nanaman yang uniform mo. Dito na tayo mag lunch. Papahatid nalang ako sa nurse ng pagkain natin." 

Tinawagan naman niya yung nurse.

"Annie, minsan ba naisip mo na gold digger ako?" tanong ko sakanya out of the blue. Wala lang kasi lagi nya akong pinag sshopping tapos lagi nya akong nililibre. Binibisita nya ako sa bahay tapos lagi nya din akong dinadala sa bahay nila

"Ofcourse not! Choice ko ang piliin ka bilang bestfriend ko. Iba ka sa lahat at ang gaan gaan ng feeling ko sayo. Alam mo namang ang turing ko sayo is tunay na kapatid na db? Bat mo naman natanong yan?" nakataas yung eyebrows nya pero may mga ngiti sa labi

"E kasi yun yung tingin nila sakin. Kasi biruin mo maganda ka mayaman ka at higit sa lahat palaban. Unlike me na panget. Nag mumukhang alalay kapag kasama kita. Mahina din ako.Hindi ko nga maipagtanggol sarili ko sa mga umaaway sakin e"

Ngumiti sya at yinakap ako

"Kahit kelan ka talaga. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na maganda ka? Bulag lang sila. At anong mahina? Sayo nga ako natutong lumaban e. Hindi ka mayaman oo nga. Wala akong pake. Hindi naman pera ang batayan ng pagkakaibigan e. Only child ako at lahat ng katangian ng isang kapatid na hinahanap ko ay nasayo. Fuck those bitches na inaapi ka. Tch. Naiinggit lang sila sayo no"

"Kasi close tayo?"

"No. Kasi isa kang dakilang kapatid. Sayo ko natutong wag mag paapi. Marami kang pinapasukan na trabaho at hindi mo pinapansin yung mga masasakit na salitang sinasabi nila sayo. Nag papakainsensitive ka for the sake of your siblings. I like that. Hindi lumalaban? Oo sa mga pang aapi nila sayo pero pag dating sakin at sa mga kapatid mo, handa kang lumaban. That's my bestfriend!"

Natuwa naman ako at naiyak sa sinabi nya. Nag papasalamat talaga ako sa Diyos dahil binigyan nya ako ng bestfriend na handa akong tanggapin kahit ano man ako.

Nag ngitian kaming dalawa at sakto dumating na yung lunch namin. Syempre pray first.

Pagtapos naming kumain ay nabulunan ako sa ipinakita sakin ni Annie

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"2 VIP tickets sa concert ni Andrew Ian Intel!"

Dream come true na to! Makikita ko na sa wakas si Andrewwww!!!!!!!!! Kill me now!!!!!! Owaaaaaaaa

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon