Chapter9

15 0 0
                                    

ZANDRA'S

2 months na ang nakakaraan at yes nakarecover na ako. Sabi nga ng doctor ang bilis daw ng recovery ko. Pero syempre dahil yun kay God ;)

Nagsimula na din akong utus utusan ni Master. Grabe ang hectic nya! Kaliwa't kanan ang mga interviews at shooting nya. May mga event pang kailangan syang pumunta. At dahil PA ako kailangan andun ako. Bumabawi na nga lang ako sa mga quizzes namin e. Halong 1 week akong absent. Buti nalang talaga at close kami ni Tito at naiintindihan naman nya kaya excuse ako. Nyehehe.

Nandito pala kami ngayon ni Master sa music hall.

"Aish. Nakakainis. Sabi ko gusto ko ng normal ng buhay pero di ko makuha kuha" ginulo pa nya yung buhok nya. Halatang frustrated sya.

Natawa nalang ako at nakita nya yun.

"Bat tumatawa tawa ka?" Lumaput sya sa mukha ko at mukha sa mukha kami. Ang ganda ng ipin, ang tangos ng ilong, moreno at ang bango ng hininga! Tall,Medyo maputi na maitim at handsome! Nasakanya na lahat!

"Ahh..ehh.." Yan nalang nasabi ko kasi konting move nalang ay mag kikiss na kami.

Lumayo sya agad at nag wave yung kamay nya na parang ang baho ng hininga ko.

"Ang baho naman Zandra! Toothbrush toothbrush din!" sabi niya ng natatawa.

Chineck ko naman kung mabaho at hindi naman! Tska kakatoothbrush ko lang no. Ang kapal talaga neto.

Hinampas ko lang sya ng hinampas

"Oopsss! Bawas sweldo" ganyan yan kapag may ginagawa akong hindi maganda sakanya.

Ahh alam ko na! Bwahahaha.

Hinatak ko sya patayo at palabas ng music hall.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong nya pero hatak ko padin sya.

Huminto ako saglit at sinabi

"Sa paraiso. Tyak na magugustuhan mo dun" nanlaki yung mga mata nya na nakakatawa tignan. Over my dead body hindi ako papagalaw sayo pwera nalang kung sapilitan. Hahaha jokejoke.

Hinila ko nalang sya palabas na ng school. Pinagtitinginan kami ng mga babae at ang sasama ng tingin. Ngumiti nalang ako at inintindi yung pag hila dito kay Andrew.

Nag para ako ng tricycle at pinasakay sya sa loob.

"San ba kasi tayo ha?" tanong nya sakin pero hindi ko sinasagot.

Few minutes nakarating narin kami sa isang lugar na walang sinasanto. Oo kahit artista ka pa. Hindi ka nila iintindihin.

"Ano to? San to?" Nakakunot noo nya at natawa naman ako.

"Nobody cares place" sabi ko na lalong naguluhan ang mukha nya

"Wala silang paki kung mayaman o mahirap ka. Sikat ka man o hindi" nagulat sya sa sinabi ko pero bago pa sya salita ay hinatak ko na.

Pumunta kami sa isawan. Halata mong hindi sya kumakain nun. Nung una ayaw pa pero nung pinatikim ko na ay aba! Naka 15 ba! Pati dugo tinira nya.

"Ang sarap! Gusto ko pa" sabi nya at akmang kukuha pa sana pero pinigilan ko.

"Hephep. Madami pang pagkain. Wag ka masyadong gumastos k?" sabi ko at hinatak na sya papunta sa kwek kwekan.

Close kami ng tindera kaya nag ngitian kaming dalawa.

"Uy Zandra! Ayan na ba ang boyfriend mo?" nagulat ako sa tanong. Grabe si manang.

"Ayy hindi po. Amo ko po ito." nag hand gestures pa ako at napangiti naman siya.

"Ang pogi nya ahh? Sayang naman at hindi mo sya boyfriend. Bagay pa naman kayo." Sabi ni manang at nag pout pa.

"Manang talaga. Bibili na po kami" at ayun kumuha na ako at pinatikim sya.

Nakita ko namang nakangisi ang mokong. Gusto ko nya yung sinabi ni manang? Kinikilig naman ako.

Nagustuhan nya ulit. Nakadami at gusto pang umulit pero pinigilan ko dahil maramirami pa ang mga kakainin namin.

At ayun nga! Madami kaming.nakain at libre nya yun lahat syempre no.

Naglalakad naman kami ngayon sa park na nobody cares pa din.

Ang tahimik kaya nag ingay ako.

"Ohhhhh you broke my heart I told you I was for love .. but you went around and do what you wanted to do and now Im crying cryingggg!!!!"

kumanta ako ng pagkalakas lakas at si Andrew naman ay napanganga

"Huy! May langaw na papasok dyan sige ka" sabi ko at tumawa ko.

"Nakakahiya ka Zandra!" sabi nya at pailing iling.

"Anu ka ba. Wala naman silang paki. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo no. Kahit mag baliw baliwan"

Hindi sya naniniwala at ako sinimulan ko na.

"Crispin! Basilio! Mga junakist ko!" nag arte artehan ako at natawa naman sya.

"Failed ka na agad pag acting sasalihan mo" sabi niya

"Edi dancing" at sumayaw sayaw ako. Tawa naman sya ng tawa

"Benta sayo ahh? Upo na tayo napagod ako no!" at umupo kami.

"Ang pangit mo sumayaw pati kumanta. Sama mo na ang pag acting. Wala kang laban" sabi nya ng natatawa.

"Maganda naman. So may laban" sabi ko at natawa ulit sya.

Nag tawanan kami ng nagtawanan hanggang sa mauwi kami sa seryosong usapan.

"Bat mo ba ko dinala dito?" tanong nya. Nako naman ang slow ni koya.

"Gusto ko kasi ipakita sayo yung normal na mundo. Walang kahit anong kaekekan basta masaya ka sa ginagawa mo. No scripts"

Ngumiti sya

"You never failed to make me happy"

napangiti ako sa sinabi nya. Ewan ko ba pero parang nag blush ako.

Kinurot nya yung pisngi ko at ngumiti ng sobrang lapad.

"Ang cute cute mooo!" sabi nya at pakiramdam kong lalo akong nag blush.

"Pero ang pangit mo always." bayan binawi agad! Badtrip talaga tong lalaking to. Tch.

"Uwi na tayo" yaya nya sakin at syempre pumayag na ako no.

"Hatid kita sainyo" ano daw?

"Ha?"

"Baka makidnap ka nanaman e. Kaya dapat mag ingat. Tara na!"

Nag para na kami ng tricycle at pumunta ng school para kunin yung kotse nya.

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon