Chapter1

40 0 0
                                    

Hi hello! Zandra Felix here. Isa akong mahirap na tao. Kapatid ko sila Tyrese Veronica Pascual at Charles Dean Pascual. Literal na mahirap kami no. Pero hindi naman sobrang hirap na tulad ng iba na nakatira sa kalsada. Kami naman sa apartment kami naninirahan. Thankful pa din ako kay God kasi hindi kami nagkukulang sa pagkain. Bihira lang hehe. Ako ang panganay kaya kailangan ko mag trabaho para sakanila.

Wala na kaming mga magulang. Patay na siguro? Ewan ko e. Tumakas lang kami sa bahay ampunan. Since ayoko namang mahiwalay sa dalawa kong kapatid. Mahal ko yang mga yan kahit lagi nila akong binubwisit no.

-----

"Attetetetetete!" Nak ng tokwa naman o! Umagang umaga binubulabog ako ng mga ugok na to

Kinusot ko muna yung  mata ko

"ANO?" Sigaw ko sakanya. Malaki na yang mga yan kaya okay lang na sigawan ko. At isa pa dito sa bahay hindi uso ang bulungan.

"Pahingi ako pambili ng project please?" Ayan! Hindi kami nag kukulang sa pagkain pero pag dating sa mga extrang gastusin ay walang wala kami

"Magkano ba?"

"100 lang. Pag kakasyahin ko na yun. May mga naiwan pa namang materials dyan e." Eto ang gusto ko sa mga kapatid ko. Hindi sila maluho dahil habang lumalaki sila sinasabi ko sakanila na hindi kami mayaman kaya siguro tinatak na nila sa ulo nila na dapat wag msyadong magastos.

Kumuha na ako sa wallet ko. Buti naman at may 500 pa ako dito. Paano na kami pag wala na no,

Inabot ko sakanya at ngumiti sya sakin

"The best ka talaga ate. Salamat. Wag ka mag alala sooner or later makakaraos din tayo." ang sweet ni Tyrese no? Well nag mana ata sakin

Paalis na siya ng kwarto ng lumingon ulit sya

"10am na hindi ka pa ba babangon? May pasok ka pa db?"

Nak ng tokwa! Oo nga pala may pasok kami. Hindi ko naalala. Bwisit na yan

Nag madali na akong naligo at nag bihis na ng uniform.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nakarating na ako ng school. As usual mga magagarang sasakyan ang nakikita ko. Lagi naman e. Samantalang ako tricycle lang okay na. Hindi nga kasi kami mayaman.

"Felixxxxxxx!!!!" kilala ko na kung sino tong babaeng to.

Imbis na lumingon ako ay tumakbo ako. As usual hinabol nya ako. Nag habulan kami sa may fountain. May fountain kasi dito sa school. 

Nasabi ko na bang private at exclusive tong school na to? At 10:30 ang simula lagi ng klase? Astig db? Buti nalang at sobrang talino ko nakapasok ako dito.

"Gotcha sis!" nakayakap na siya sakin

"Akala ko hindi mo ko mahahabol e. Lampa ka pa naman" sabi ko habang nag hahabol ng hininga. Nakailang ikot din kami no! Haha

"Tch. Whatever. Tara na sa classroom" hinatak na nya ako papasok ng classrom at as usual ..

"Hi Miss Annie!"

"Ang ganda nya talaga no?"

"Annie gandaaa!"

Ganyan kapag papasok kami ng room namin. Sobrang ganda kasi ni Annie at nag mumukhang alalay ako.

"Buti nakakatiis si Annie kay Zandra no? Ang pangit kaya nyan"

"Kaya nga e. Nag mumukhang katulong kapag kasama nya si Annie" 

Narinig ko yun. Sanay naman na ako e. Kaso itong isa mukhang hindi na nasanay

"What did you say miss?" nakasara na yung kamao ni Annie. Alam ko na tong mangyayari

"Tara na Annie. Pabayaan mo na sila" sabi ko kasi umagang umaga mukang mapupunta kami sa detention room

"No Zandra." tinabig nya yung kamay ko sa aakmang susuntukin na nya yung mga babae ng may pumigil sakanya

"Hold your horses Annie" sinalo ni Yael sa kamay nya yung suntok  ni Annie

"Shut the fuck up Yael." Inalis ni Annie yung kamay nya sa kamay ni Yael at humarap sa mga babae.

"Hoy kayong mga galunggong na pinaghahampas ng make up" dinuro nya yung tatlo

"Maganda si Zandra! Hindi nyo lang makita dahil ang kapal ng eye lashes at make up nyo sa mata. Mga ugok! Mag si layas kayo sa harapan ko!" 

Umalis naman yung mga babae at hinatak na nya ako papuntang room.

Habang nag lalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga studyante.

"Anong tinitingin tingin nyo dyan ha?!" sigaw ni Annie sakanila

Nag sipasukan naman sila.

Humarap naman sakin si Annie

"At ikaw babae ka! Matuto kang lumaban. Pano pag wala ako? Aapihin ka nila! Pero wag mong intindihin yung mga sinasabi nila.  Ang kakapal ng mukha. Patanggal ko sila dito e"

Nasabi ko na bang amazona tong si Annie? Kung titignan mo sa una ay mukha syang maamo pero pag nagalit yan nako po! Mag tago ka na. Sweet tong bestfriend ko at nag papasalamat ako kasi binigay sya sakin ni God. Kapag may umaaway sakin sya ang umaaway sakanila. Mayaman din tong babaeng to. SIla nga pala ang may ari ng school na pinapasukan ko.

"Hayaan mo na kasi! Ako naman yung sinasabihan hindi ikaw. Wag kang feeler" sabi ko at tumawa naman sya. Nawala yung tawa ng nakita nya yung ex nya at yung bagong ipinalit sakanya

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon