Chapter 45: "FALLEN" | 2 Years After (Month of December)

552 17 1
                                    

CHAPTER 45

THE BADDEST DELINQUENTS

“FALLEN”

WRITTEN BY: VASILISA ROSEMARIE SABINA

This is too much. Ginagamit niya ‘yung sakit niya para sundin ko siya sa lahat ng gusto niya. I don’t like this. No, I hate this. I hate what he wants, I hate what he want me to do now. D[a]amn. Is he insane?

“An annulment, Alexander? Don’t do this to me.” I pleaded.

12 months of extend survival with therapies and surgery? Alexander proved that wrong.

2 years, he survived 2 years of burning hell. But now, he’s giving up, also our relationship. Kahapon, sinabi niyang pagod na siya, hindi na niya kaya. Masakit ‘man pero pumayag na ‘kong ipasaksakan siya ng euthanasia but not today dahil hindi ko pa kayang mawala siya. What if the next day I wake up, magaling na siya or may nahanap ng cure para sa sakit niya? I’m still hopelessly hoping for that to come, every day. Though, ayoko na siyang nakikitang nahihirapan, nasasaktan lang ako. Nasasaktan lang kami. Alyona and I have been always taking care of him. Nag punta pa dito si Alyona dahil sa nalaman niya sa kalagayan ni Alexander, last-last year.

Hindi rin nag tagal nalaman din nung quintuplet ‘yung totoong nangyayari sa tatay nila at hanggang ngayon, wala pa rin silang kibo. Ni-hindi ko na sila naririnig nag sasalita o nag aaway man lang. Lagi na lang silang nakakulong sa kwarto nila at malamang nag aaral. School at bahay lang ngayon ‘yung routine nila, wala ng iba. Minsan, binibisita nila si Alexander kaso nahihirapan lang sila kapag nakikita nila ‘yung tatay nila. And about Alazne, she’s doing good but not really good. Mas lalo na lang siyang nagiging cheerful sa harapan ng tatay niya pero pagkatalikod niya, ayun. Tatakbo sa ‘kin ‘saka hahagulgol kapag napatulog na niya si Alexander. Pati sila, nasasaktan na kaya kailangan na naming sundin ‘yung gusto ni Alexander pero etong sunod na gusto niya, hindi. Hindi ako papayag do’n.

“Please, Alexandra. It’s for you,” he said quietly, raspy.

“I don’t care and I don’t want to.”

“I’m setting you free. Last na lang. Just please, sundin mo na.”

“I don’t want your freedom. I want you. You’re my husband, eternal life or life after death.”

“Please . . . I’m begging you. If you love me, you’ll do it,” he begged.

“Alexander, hindi mo ‘ko madadaan sa “If you love me”.”

“Alexandra, please. Just one last favour,”  sabi pa niya sabay himas sa kamay ko.

Sobrang pinahihirapan niya ‘ko sa gusto niyang ipagawa sa ‘kin ngayon. Ayoko nang bilangin pa kung ilang taon na ‘ko naging sunod-sunuran sa kanya para lang ma-prove sa kanya na mahal ko siya at kaya kong magpaka santa para lang sa kanya, at para sumaya siya. Parang under de barong ako sa kanya at wala akong pakealam do’n pero ayokong gawin ‘tong pinapagawa niya sa ‘kin ngayon.

“Pwede naman akong maging free kahit hindi tayo annul,” pagrarason ko sa kanya. “Pero, Alexander. Sayong-sayo na ‘to at ayoko ng bawiin pa ‘yun kahit mawala ka pa ng sobrang tagal o hindi ka na bumalik.”

“For the last time, Alexandra. Please,” pagmamakaawa na niya.

Bumuntong hininga na lang ako at tinitigan siya ng matagal sa mata. Maya-maya lang tumango na lang ako ng wala sa sarili. Kapag tumitingin ako sa kanya para na-hi-hypnotize niya ‘ko kaya napapa-oo na lang ako sa mga gusto niyang gawin ko pero napailing agad ako nang mapaisip akong hindi na namin kailangan mag file ng annulment.

[♤]: THE ANARCHIC DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon