MVW # 16

83.4K 1.1K 140
                                    

MVW # 16

<Polly's POV>

"What?"

"Magpicnic tayo. Ikaw. Ako at si Chill."

Napakisap-mata ako sabay tingin sa langit. Picnic? Habang makulimlim ang kalangitan at parang uulan. Magandang Idea ata iyon no?

Isang araw pagkatapos magPropose ng dalawang lalaki sa akin. Ngayon lang nagparamdam si Mint. Si Terrence naman ay hanggang ngayon wala pa ring paramdam.

Halos mapuyat ako noong isang gabi. Ang galing kasi humalik ni Mint. Walang kupas. Biro lang. Hindi ako nananabik ha! Medyo lang.. Pero totoo, hindi ako nakatulog. Pabaling-baling ako sa kama. Tapos hahawakan ko nanaman yung labi ko. Tapos ngingiti. Mukhang tanga diba? Kaya bago pa ako mabaliw lumipat ako sa kwarto ni Chill. Doon mapayapa akong natulog.

"I will make you fall in love with me.. over and over again."

Hindi ko alam pero parang may bumulong sa akin habang kaharap si Mint. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

Naasar naman ako ng unti-unti kong nakikita na napapanigiti siya at may kung ano nanaman sa tingin niya.

"A-ano?!"

"What?"

"Why are you staring at me?"

"Masama ba?"

"Psh." Nagbuga ako ng hangin. Saka ko siya inirapan. Pero muli akong napatingin sa kanya ng unti-unti nanaman siyang lumalapit sa akin.

"A-ano ba?!"

"You're asking the same question twice, honey."

Sa bawat lakad niya papunta sa akin ay napapaatras ako. Hanggang sa napansin kong nakapasok na siya sa pinto.

"A-ano?!"

"Thrice, honey."

Sa bawat lakad niya ay umaatras ako hanggang sa may mabangga ang binti ko. Napatingin ako sa likod. Nasa sofa na pala ako.

Muli ako napatingin kay Mint. Ngumiti nanaman ito ng parang may gagawing masama.

At tama nga. Tinulak nito ang balikat ko dahilan para mapaupo ako sa sofa.

"A-ano bang-----"

"Ssssh.." Ginamit nito ang hintuturo nito para tumigil ako. Nilapit nito ang labi niya sa tenga ko. Naamoy ko ang pabangong dati pa niya ginagamit. "Quiet.. Tsk. Hindi ka pa rin nagbabago....." Inangat nito ang mukha niya at halos maduling ako habang nakatitig sa kanya. "... maingay ka pa din." Tinaggal nito yung daliring nakalagay sa labi ko. Saka hinalikan yung daliri niya dahilan para maginit ako. "Sweet."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon