Chapter 16

116 3 2
                                    

Chapter 16

I leave some clues


Five months, I lay lowed myself. Hindi madali para sa akin na tanggapin ang kinahinatnan ng career. Kung ang bilis ng pag-angat ng karera, siya rin naman kabilis ang pagkabagsak ko. Dati tuwang tuwa ako dahil isa daw ako sa paborito nila at sinusuportahan nila at ngayon naman ay wala na akong nakikita o nababasang gano'n. Iniwan na rin nila ako. Tinanggap ko ang pagkakamali ko, lahat ng bintang nila sa akin ay sinalo ko.

Masakit pero iyon ang naging tadhana ko.

Inamin ko kay Amy iyong litrato na nakuha ko noon. Ang nakuha ko lamang sa kanya ay isang sampal, tinanggap koi yon. Pinagsabihan niya ako, bakit nilihim ko raw iyon. Bakit hinayaan ko daw ang sarili ko na lamunin ng kasikatan at hindi pansinin ang gano'ng bagay? Wala akong nasagot sa kanya, talong talo na ako. Sirang sira na ako sa mata ng mga tao.

May mga umabot din na balita sa amin na pinabayaan daw ako ng manager ko. Iyon ang kinagalit ni Amy, galit na galit siya hindi sa akin kundi sa mga taong wala ginawa kundi ang manira ng tao. Iyong dati nilang pinupuri, iyon mabilis na napalitan ng mga masasakit na salita.

May napanood ko pa ako noon, sinusunog nila ang libro at magazines. Huwag daw ako tuluran, 'wag daw sundin ang mga nakasulat doon. 'Wag na 'wag daw maniniwala sa babaeng katulad ko. Maganda lang naman daw ako. Iyon naman ang lagi nilang inaakala eh.

Iyon lang kasi ang nakikita nila sa akin.

Hindi man lang umabot sa quota ang ratings ng show namin, walang nanood eh. Agad nila iyong binura sa kanilang website. Sino nga ba ako? Freelance artist lang din naman nila ako. Binayaran naman daw nila ako kaya may karapatan naman sila kung anong gusto nilang gawin. Hinayaan ko silang gawin iyon.

Hinayaan kong protektahan ang sarili ko sa mga bagay na ako lang din naman ang nakakaintindi. Kung pati ang sarili ko ay pilit na ipagsisiksikan sa kanila ay magiging tanga lang din ako. Magiging walang kwenta lahat ng mga sasabihin ko dahil hindi na nila ako papaniwalaan. Hindi na ako ang babaeng kinilala nila noon.

Reena Francesca Campbell na nga ang tawag nila sa akin ngayon. Buong pangalan na akala mo'y, kilala nila ang buong pagkatao ko. Masyado nilang hinuhusgahan ang isang katulad ko. Hindi nila inisip na tao rin naman ako. Pero kahit anong gawin ko, ibinababa na nila ako.

Wala daw akong kwenta.

Maganda ka lang kaya ka sumikat.

Tapos ang usapan.

Maraming naapektuhan sa nangyari sa akin. Nagdesisyon si Amy na lumayo na lang muna sa akin, madalang na lang makipakita sa akin si Scott. Naiinis ako sa sarili ko dahil sila na nga lang ito malapit sa akin, sila pa 'tong pinagtaguan ko kaya hindi ko masisi kung may sama sila ng loob sa akin.

Madalas kong nakakasama ay ang mga maid ko, minsan ay iniiwasan pa nga nila ako pero natutuwa pa rin ako dahil kinakausap pa rin nila ako ng normal at parang walang nangyari. Iniintindi nila ako kahit wala sila sa sitwasyon ko, dinadamayan nila ako.

Umabot din ang balitang iyon kay mama at ano nga bang maaasahan ko? Puro masasakit na salita lang din ang nakuha ko sa kanya. 'Yong kung sino pa ang kailangan mo ay siya pa itong nagpapabigat sa damdamin ko.

At si papa, nandiyan lagi para sa akin. Kahit may pasyente siya ay gumagawa siya ng paraan para masamahan ako at maalagaan. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako pinagsalitaan. Inintindi niya ang sitwasyon ko lalo na't ngayon na halos malapit ko nang isilang ang anak ko.

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now