Chapter 1

651 10 7
                                    

Chapter 1

Being beautiful, being perfect


Sa panahon ngayon kapag naging laman ka ng social media wala kang takas sa magiging outcome nito, kung sumikat ka man o sisiraan ka in the end. Parang lahat na nga lang din ay nagmumula doon, kaya kung gusto mong makilala, magpaka-famewhore ka or something like that.

Ibahin mo naman ang pangyayari sa akin, ang pagkalat ng mukha ko sa social media ay isa sa mga pinaka-aayawan ko. Sabi nila, ayos lang daw 'yon dahil marami naman daw naga-admire sa litratong kuha sa akin. Hindi ko rin naman maitatanggi iyon pero 'yong pagpi-pyestahan ka na nang mga tao ay siyang iniiwasan ko.

"Reena, ready ka na ba?" tanong ni Amy sa akin, my bestfriend since highschool.

Umiling naman din kaagad ako, "I was never ready when it comes to this, Amy. Sana talaga hindi na lang ako nagpa-uto sayo."

She pouted and crossed her arms, "this just an interview, Reena. For being the most beautiful girl in the world, why to cave yourself?"

I sighed, "we could call them and says na hindi maganda ang pakiramdam ko, they will buy it, trust me." sabi ko naman sa kanya. Isa lang naman kasi ang rason ko kung bakit gusto kong umatras, ayokong maging tumpok ng usapan. Umiiwas nga ako kapag ako 'yong topic kahit sa small gathering lang, ngayon pa kayang national broadcast ang gagawin.

"You know we can't do that." Ani Amy, minsan hindi ko talaga alam kung kaibigan ko pa talaga 'tong babaeng 'to. "As your manager, give them a chance naman."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "ano bang alam mo sa pagiging manager Amy? Baliw! Bestfriend kita at hindi manager!" usal ko naman.

"Bakit ba?!" aniya. "Edi kapag hindi nag-work out, hanap tayo ng manager mo!"

Napailing na lang din naman ako sa sinasabi niya. Hinatak niya naman ako para tumayo sa kinauupuan ko. Para nga akong under dito dahil parang lahat ng kagandahan dapat makikita sa akin. She even told me to wear white dress para maging maganda ang dati ko sa camera, hindi niya ako nilagyan ng make up because she says na mas maganda daw ang natural sa akin.

"Sinasabi ko sayo Reena kapag hindi ka pumunta dito, sasagutin ko lahat ng media na nag-email sayo." Banta pa niya sa akin. "Just this one, kapag hindi mo nagustahan, you can lay low naman."

"Lay low?" tanong ko naman.

Tumango naman siya, "oo, humiga sa baba."

"Eh?" napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Joke ba 'yon?"

"Actually hindi, 'wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi ko." aniya saka niya ako hinatak patayo. "Hindi na kita kukulitin promise kapag ayaw mo 'yong ganito."

Napangisi naman ako sa kanya, "sure ka diyan ah."

Determinado naman siyang tumango, "naman, ako pa ba?"

Mayamaya lamang ay narinig na namin ang busina ng sasakyan ni Scott. He's a family friend kaya naman ng malaman niya rin ang pag break out ko sa social media, isa siya kaagad sa mga tumawag sa akin at binalita iyon. Actually, wala akong idea sa nangyayari sa social media hanggat sa tumawag siya. Kaya ayun, naging panay ang tingin ko sa social media's.

But Amy restricted me to do it, may mga bagay daw kasing hahayaan na lang na hindi ko malaman.

He knock on the door, we step out as he sees me in my dress. His face were indescribable as he saw me.

Imperfections of Being PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon