Chapter 13

144 5 2
                                    

A day ago without him again makes me sick, Hindi ko siya nakita kahapon diba ngayon din di ko pa siya nakikita, baka mamaya pupunta siya dito, wooo. SANA.. Isang araw pang hindi ko siya nakikita makakapatay ako ng katabi ko dito! -_-

"Tumigil ka di ka nakakatuwa." isang babaeng nagsalita sa tabi ko. Si Alina pala. Pero ano daw sinasabi niya? Tch.

"Pinagsasabi mo?" sabay irap sakanya.

"Makaalis na nga, baka patayin mo pa ako dito!" sabi niya sabay walk out at pumasok sa loob ng bilyaran. Nasabi ko pala ang nasa isip ko. Nyemas. Namimis ko na siya kahit isang araw lang! :( Di siya nagtext sakin kagabi e, kanina lang. 'Goodmorning. I miss you' ayan lang text niya. Kinilig ako. Oo pero malungkot pa rin ako.

Nasa labas nga pala ako ng bilyaran. Katatapos lang ng klase ko ngayong araw! Wala ng gagawin kaya tatambay nalang muna dito at para mawala ang stress ko. Nagpapatawa din kasi si Ivy. Nag ba-black magic siya. Di ko nga magets e.

"Pupunta akong sm, magdadala ako ng tabo. Ikaw anong dadalhin mo?" sabi ni Ivy kay Zam. Tawa sila ng tawa, ako? Nganga. Di ko magets e.

"Charger" sabi ni Zam. ANO RELATED NUN SA TABO? Yung totoo?

"KASAMA KA!" Sigaw ni Ivy sabay tawa nila.

"Ikaw anong dadalhin mo?" tanong naman niya kay Stef.

"Unan. Hahahah" sabi ni stef sabay halagalpak na tawa. Isa pa to, ano connect nun? Napapatawa na din ako dahil sa tawa hindi dahil sa joke e. Kapag tawa, tawa talaga. As in parang walang bukas.

"HAHAHAHA Kasama ka din:" sabi ni Ivy.

"Ikaw Ate Eriez anong dadalhin mo?" tanong ni Ivy kay Riez.

"Laptop!" sigaw niya pa. Waa. Di ko talaga magets. Nang tapos na sila magtawanan ako naman ang tinanong ni Ivy.

"Ikaw Ennis anong dadalhin mo?" sabay tingin nila sakin lahat! Ano nga ba? Kung magdadala siya ng tabo papuntang sm edi magdadala ako ng sabon! Tama sabon! 

"Sabon" sabi ko with confidence. Napatahimik naman sila sa sagot ko.

"WAAAA Hindi ka kasama" sabay tawa nilang lahat. UNFAIR.

"BAKIT?! Pwede naman ah!" pero sila tawa lang ng tawa. Hindi ko nga magets e. Related naman ang sabon sa tabo diba? Anong mali dun? Bat di ako kasama? Tch. Edi umalis sila. LOL. Joke. 

"HAHAHA Hindi niya gets!" sabi ni stef. Bwisit sila pinagtutulungan nila ako. Mga bwisit. BWISIT. BWISIT. Ha-ha. 

"Mga sabog ba kayo?" tanong ko skanila. Hindi ata sila pumasok ngayon e, nasa dorm ko lang sila. Mga adik. 

"Si ivy sabog." slow mo na sabi ni Stef.

"Ikaw din no?" sabi ko sabay tawa.

"Di ah. Mamatay sabog." pagkasabi niya nun sabay sabay silang lahat nagsabi ng "Ahh" at umacting na patay na. Sabog nga silang lahat. Ako lang ang hindi sabog. Pumasok e? LOL.

Lumingon ako sa left side ko at may nakita akong gwapong matangkad na naglalakad na sobrang ganda ng hubog ng katawan ultimo my mga bato na nakalagay doon. Inayos ko ang upo ko at tinignan ng maigi ang lalaking iyon. Hindi ako nagkakamali.

Si Raffy......Si Raffy nga!! Syempre di ako tumayo. Well? Pachix ako e.

"Ehem ehem" mga chismosang epal sa paligid ko. 

Palapit ng palapit si Raffy at dito nga sakin ang punta niya. E nakatingin na siya sakin e. Ilang segundo nakatayo na siya sa harapan ko, hindi ako makatingin. Anong problema ko? Kinakabahan din ako ngayon!

Lover's Revenge (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon