Chapter 20

120 4 3
                                    

7am na at nakaupo lang ako sa dulo ng kama ko habang paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Raffy sakin kagabi na susunduin niya ako after class ko. Magkikita na ulit kami.Ang saya ko!

"Baby narinig mo ba ang sabi ng daddy mo kagabi? Susunduin niya daw tayo ngayon!" sabi ko habang hinihimas ang tyan ko. Natutuwa ako na kinakabahan sa mangyayari ngayon.

bakit kaya niya naisipan yun? Makikipagbati na siguro siya sakin. Nakakatuwa naman isipin iyon. Ssabihin ko na rin ba kaya sakanya ang kalagayan ko?

Hmm. Wag nalang baka biglang magbago ulit siya sakin.

tumayo na ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Gutom na ang baby ko.

*school

"kamusta na ang lomolobo kong kaibigan?" wtf? anong ibigsabihin niya? Tumataba na agad ako? Bigla kong tinignan ang katawan ko, di ko feel na tumataba ako.

"Seriously Alina?" i asked.

She just nodded. Oh crap! Di na ko kakain ng madami.

"Atsaka wag ka nga maingay may makarinig pa sayo!" sabi ko sakanya. Nginitian lang ako ng gaga.

Oo nga pala. Naglalakad na kami ni Alina papuntang last subj namin. Dito lang siya pumasok e. Ewan ko ba dyan sa babaeng yan di pinasukan ang theory of archi naming subject, si Dean pa naman ang prof namin dun.

"Hoy nga pala, bakit di ka pumasok?" tanong ko kay Alina. Malamang sino pa ba kasama ko dito.

"Nakakatamad e! Ang aga kadi. Nag inuman pa kami nila Ivy kagabi kaya ayun bangag ako." sagot niya sakin. Pag ganyan siya ng ganyan mawawala talaga to sa archi.

"Baliw ka talaga!' sabay batok sakanya, aakmaing papaluin niya ko sa braso pero napatigil siya at nag ayos nalang ng sarili niya. ha-ha

"Pasalamat ka. Dala dala mo ang inaanak ko!" natatawa nalang ako sa sinasabi niya.

Naglalakad pa rin kami hangang ngayon. Ang layo naman kasi ng building na yun! Wala kaming building dahil sira ang ceat building na dapat para samin.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa tyan ko. Ang baby ko! Napatigil ako sandali at hinawakan ang tyan ko, nasa oval pa kami wala masyadong tao dahil 5 na, at 5:30 ang start ng klase namin.

"Alina" tawag ko sakanya pero mukha di narinig. Sumasakit na talaga ng tuluyan ang tyan ko! Kaya napaupo ako, bumagsak ako sa semento hawak hawak ang tyan ko!

"Alina!!!!" napasigaw na ako ng malakas. Di ko na kinaya ang sakit ng tyan ko. Unti unti dumidilim ang paningin ko.

"Ennissss!!!!"

Raffy's Pov

Tinawagan ako ni Alina na may nangyaring masama kay Ennis. Nahimatay pa siya. Kausap ko pa si dad ng mga oras na yun sa Office, humingi lang ako ng kaunting minuto para kausapin si Alina.

At dahil sa sinabi ni Alina mas nanaig sakin ang pangamba kay Ennis kaya di na ko bumalik sa office ni Dad. Dumiretso na ako kay Ennis.

Mabilis akong nagmaneho at pumunta sa oval kung saan sila.

Nakita ko si Ennis nakahiga, walang malay kaya agad akong tumakbo at binuhat siya.

"Sasama ako, gagamitin ko kotse ni Ennis" sabi sakin ni Alina at umalis na.

Habang naglalakad at buhat buhat siya di ko maiwasan maluha. Ganito na ba kalubha ang sakit niya at nahihimatay siya. Napaka walang kwenta kong lalaki. Haaaay!

Agad ko siyang pinasok sa kotse at dumiretso sa bahay. Tinext ko din si Alina using Ennis phone ang way papunta samin.

*bahay

Lover's Revenge (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon