Chapter 19

95 1 2
                                    

"Ahhhh" sabi ni jam habang isusubo na sakin ang pagkain. Andito kami sa isang restaurant, kumakain. Kanina pa itong si Jam, parang binibaby ako. Ano nanaman kayang nakain neto. Mukhang lumalala ang saltik e.

Ibinuka ko naman ang bibig ko at isinubo iyon, ang pagkain. 

"Nakakahalata na ako jam ah!" sabi ko sakanya kahit may pagkain pa ang bibig ko.

"Ano nanaman iyon?" tanong niya sakin.

"Ginagawa mo akong baby." sabi ko sakanya sabay pout. Haynako, kung ako sakanya wag niya na kainin kung ano man ung nakain niya. Unti unti na akong nasasanay na ganyan siya, hindi na katulad ng dati na parang may demonyo laging sumasapi sakanya.

"Gusto lang kita alagaan at pasayahin." sabi niya sakin, napatingin naman ako sakanya pero iniwas ko agad kasi feeling ko namumula mukha ko pati na rin ata katawan ko. 

Kumain nalang ako para iwasan ang mga ganyang usapan. Kahit my pagkain pa sa bibig ko subo lang ako ng subo. Oo nga crush ko siya dati pero hanggang dun lang iyon dahil may boyfriend ako at si Raffy ang mahal ko.Teka, bf ko ba pa yun? Yung taong di ko na madalas kausap? Madalas katext? Madalas kasama? Mukhang hindi na ata.

Uminom ako ng pineapple juice dahil feeling ko mabibilaukan ako sa sunod sunod kong pagsubo ng pagkain. Habang umiinom napatingin ako sa labas ng restaurant. There's an old man staring at me. Nakakatakot ang tingin niya sakin kaya umiwas na ako ng tingin.

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ng kaharap kong tao.

"Yes, im okay Jam." i said to him. Eto nanaman yung feeling na parang my sumusunod sayo. Bumalik nanaman. Hays. Kahit kasama ko si Jam ngayon feeling ko hindi ako safe, hindi ako ligtas, anytime mapapahamak ako. Kung si Raffy ang kasama ko, walang ganitong pakiramdam. :"(

Nakita ko naman lumingon si Jam kung saan ako nakatingin kanina, kaya tumingin na din ako, wala na ang matandang lalaki kanina. Parang familiar yung mukha niya. My kamukha siya.

Hindi ko lang alam kung nakita ko na ba siya kung saan o my kamukha lang. Iniisip ko kung saan ko ba nakita ang mga matang iyon parang tumingin na rin sa akin iyon dati.

*bahay

"Ingat ka lagi Ennis" sabi sakin ni Jam, umuwi na kami dahil sinabi ko. Tinatamad na ako e. At bigla nagbago ang mood ko, siguro dahil sa alam nyo na.

"Alam ko, di mo kailangan sabihin!" pag susungit ko at inirapan siya. Despite sa ginawa ko nagawa niya pang ngumiti sakin na parang nang aasar at nilapit ang labi niya sa noo ko. Sa inaasahan ko, hinalikan niya ang noo ko.

Hindi ko alam bakit ginagawa sakin ni Jam ang mga ganoong bagay, ano bang pinapalabas niya. Feeling ko tuloy gusto niya ako, at gusto niya akong ligawan. Charaught. Pero sino ba namang babae ang hindi iisipin iyon? To think na para kaming aso't pusa dati kung mag away, stranger kung mag iwasan at di magpansinan.

"I'll go ahead. Pumasok kana." He said then pumasok na ako sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako, nakakaramdam ako ng kaba. Ganito na ako since nalaman kong buntis ako, kapag pumapasok ako sa bahay, ganon nalang kalakas ang pagtibok ng puso ko. Parang sasabog sa sobrang lakas.

"San ka galing iha?" bungad sakin ng daddy ko na nasa sala habang nagbabasa ng newspaper at  nakadequatro pa. 

"Dyan lang po." walang gana kong sagot kay Daddy. Dumiretso na akong umakyat sa kwarto, di na ko nag abalang halikan siya sa pisngi gaya ng ginagawa ko pag nauwi ako dito. 

"Ennis." tawag niya ulit sakin nang nakakailang step pa lang ako sa hagdan.

"Yes dad?" humarap ako sakanya, naiinip ako ang tagal niyang magsalita. Gusto ko ng magpahinga dahil feeling ko pagod na pagod ako at antok na antok. Ganito ba talaga kapag buntis? Gusto ko laging natutulog. Jusko, architecture pa man din ang course ko.

Lover's Revenge (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon