KAILAN

260 3 0
                                    

pagpasok ko ng room the next day, i found Marco sitting already sa assigned seat niya. masaya ako pag nakikita ko siya, but hurtful enough to know that he's angry with me.

days passed, as if the same routine. i never conversed with him anymore. kung may groupings man yan or partnering i always suggest na we'll have to pick our own group or partner. i don't know if my classmates are aware of it, if they'd known, well i don't care. si Jayne, alam niya, obviously. siya lang ang tinuturing kong totoong kaibigan.

each time i caught him looking at me, naiiwan ako sa ere. lagi kong pinapaalala sa sarili ko na 'galit yan sayo Elise, wala kang magagawa dun. wag ka ng umasa. galit yan sayo.' which only breaks me even more. mabuti na lang kahit papano there are a few people that would want to see me happy. lalo na si kuya Bryan, he always keeps me company kung hindi pwede si Jayne. minsan sinusundo niya ako from school. or di kaya lalabas kame every weekend. minsan sinamahan niya nga ako dun sa resto ni tita. kumakanta na kasi ako dun. minsan pag wala si Jayne, so si kuya Bryan ang lagi kong kasama.

lagi niyang sinasabi na maganda talaga ang boses ko. ako naman, sinasakyan ko na lang din siya. siya lang nga ata ang nakaka-appreciate sa boses ko eh. hehe.

"El!" sigaw ni Jayne sa akin. nag-uusap kasi ang class para sa BENEFICIAL CONCERT na gagawin namin para sa ALUMNI HOMECOMING. wherein next week na yun. lahat ng officers busy na talaga. that includes Jayne. siya ang secretary. ako? hindi naman ako kabilang dyan.

"yup?" tanong ko sa kanya as if parang nakikinig ako. haha, well in fact hindi naman.

"pwede ka bang kumanta sa concert?" si ms. President na ang nagtanong.

"si Jayne pala?" tanong ko sa kanya.

"kakanta ako nuh! ako pa. i volunteered to do the opening song. haha." masyadong mayabang na talaga ang kaibigan kong 'to. paki-open nga ng mga windows. haha. para lumabas ang masamang hangin.

"eh di kakanta ka." i mocked. then tumingin ako ulit kay ms. president. "depende. haha. pero, okay."

"okay. so pwede two songs? maganda naman ang boses mo eh." pakiusap niya. aba, abuso na.

"okay." walang angal kong sagot. then bigla naman silang natuwa.

"sample nga muna Elise!" rinig kong sabi ng isa kong classmate na lalaki. kasama niya si Marco at yung ibang lalaki kong kaklase. i just shot a deadly stare at him. then lahat na sila, they were chanting the word 'sample' repeatedly.

as if mapipilit niyo ko. "ayoko. kayo na lang kung gusto niyo." sabi ko sa kanila.

"sige na Elise! isang kanta lang. tutugtog ako kung gusto mo." pakiusap ni Ken. siya yung nagsabi na sample raw. kasama nga pala siya sa banda. halatang MUSIC ENTHUSIAST ang class namin nuh? haha.

"ikaw na lang. haranahin mo si Faye." haha. buking ka ngayon. alam ko naman na may gusto yan sa president namin, matagal na.

"tulungan mo ako! haharanahin ko!" aba, nagsalita. haha. bigla naman ako napangiti dun. then lahat ng nasa room nakatingin kay Faye, na ngayon ay kamatis na kamatis. parang gusto ko atang mantrip ngayon.

nag-isip muna ako. "sige!" sagot ko. kumuha din siya ng gitara at pumunta sa may platform kung saan nandun si president. sinenyasan ako ni Ken na sabayan siya dun sa harap.

tumayo ako at pumunta na sa harap. then lahat ng classmates ko nagtitilian. haha. ang ganda. ang sweet naman ni Ken. very frank.

"oh Ken anong kanta?" bulong ko sa kanya.

"ikaw nang bahala. basta gusto ko yung maramdaman niya na andito lang ako. kahit na binabalewala niya lang ako." sagot niya.

then i know exactly the right song to sing. haha. binulong ko na sa kanya yung song na KAILAN ng MYMP. dapat alam niya ang kantang iyon, like duh, he's in a band.

CATCH ME [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon