FEELINGS SHOW

253 3 0
                                    

*MONDAY*

this day, gusto kong sabihin kay Marco ang nararamdaman ko. it's now or never. dapat masabi ko na sa kanya. good luck Elise. haha.

"GOOD MORNING!!!" bati ko sa lahat soon as nakatapak ako sa room. lahat naman sila nakatingin sa akin. hinanap ko si Marco, pero parang wala pa. haha. okay lang, madami pa akong oras. haha. "good morning Jayne baby." bati ko naman kay Jayne nung nakaupo na ako sa arm chair ko.

"good mood ka ata?" tanong niya sa akin ng pagtataka.

"syempre naman. haha. i'm sixteen na eh." sagot ko sa kanya. we then talked about the party. "gusto mo na nga atang akuin ang stage ko eh."

"haha. sorry naman. at least kinanta ko lahat ng paborito mo." sabi niya pa. "maganda ba ang regalo ko?" tanong niya sa akin.

"ang pangit Jayne. walang effort. puro dikit lang agad ng mga pictures, then yung writing halatang nagmamadali." biro ko sa kanya. haha. actually alam niya na nagbibiro lang ako. maganda talaga ang regalo niya. siya lang ang nagregalo sa akin ng ganun. haha. hiningi ko kasi. haha. and yung scrapbook, as in handmade pa talaga. it was made of parchment paper. tapos yung writing, ang pangit. parang kahig ng manok. haha. joke. maganda ang writing ni Jayne. siya nga lagi pinapasulat ng mga teachers sa board eh. tapos sa akin siya lagi naghihiram ng notes.

"yung kay Marco rin, maganda nuh?" oo. ang ganda talaga. bigla na lang ako ngumiti.

"haha. oo, maganda nga." nakakamangha pa nga.

"how did he sketch you?" she asked.

"ah, ano kasi yun. nakita mo naman yung video presentation namin dati di ba? baka dun. haha.  yung nasa beach kame? nagtataka nga ako kung bakit yun pa. ang pangit ko talaga dun."

"hindi, kaya yun, kasi gusto niya malaman mo na inosente ka nga talaga. haha." tumawa si Jayne ng malakas as in rinig lahat ng kaklase ko. sabog nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

na inosente ka nga talaga.

paulit ulit ang mga salita ni Jayne sa utak ko.

"so ako nang hindi nakakaalam na inosente nga ako." sabi ko sa kanya na may halong sarcasm.

"oo, ganun nga." then it shocked the both of us. paglingon namin si Marco pala. bigla na naman bumilis ang heartbeat ko.

"andyan ka na pala Marco." bungad ni Jayne.

"ay wala pa Jayne. nasa bahay pa nga ako." sarcastic niyang sagot.

may kakaiba sa kanya ngayon. parang may nagbago sa kanya. "ha.ha. very funny." then tinalikuran na siya ni Jayne. ako naman hindi ko alam kung sino ang papansinin ko. yung taong nasa kaliwa ko o yung taong nasa kanan ko.

then i decided to talk to the one who's sitting in my right. which was him. "ano, sa-salamat pala sa regalo mo." hindi kasi ako nakapag-thank you sa kanya kasi nga di ba? walk out si kuya. drama king mode.

"yeah sure. you're welcome." ang flat ng pagkakasabi niya. then tinalikuran naman niya ako. so ano yun?

nakakainis. binubwiset na naman ako ng taong 'to. pasalamat ka at...at...at,

>//////////////////////////////<. di bale na nga.

"hoy," tawag ko sa kanya, pero di niya ako pinansin. "hoy," ulit ko. wala pa rin. "Marco." may kasama na yung poke. pero wala pa rin. ano ba 'to? statwa ba ang kinakausap ko? may ibibigay sana ako sa kanya eh. tae 'tong lalaking 'to. "Marco." diin ko. pero wala talaga eh. "Marco Sanchez." buong pangalan na yan, siya lang naman ang may pangalan na Marco dito na kilala ko. may kasama pa yung poke. leche! wala talaga. last, 'pag hindi niya pa ako pinansin, kakainin ko siya ng buhay. "hoy, Marco Sanchez." ayun, i'm sure ilan sa mga classmates ko narinig ako.

CATCH ME [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα