Zid's Story

190K 2.8K 1K
  • Dedicated kay Shahani Tolentino
                                    

Alam mo ba iyong feeling na gustong-gusto mo siya pero hindi mo lang masabi dahil wala kang lakas ng loob? O dahil wala ka talagang 'K' kumpara sa mga taong umaaligid sakanya? Iyon ang eksaktong nararamdaman ko ngayon at nakakainis at nakakafrustr...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alam mo ba iyong feeling na gustong-gusto mo siya pero hindi mo lang masabi dahil wala kang lakas ng loob? O dahil wala ka talagang 'K' kumpara sa mga taong umaaligid sakanya? Iyon ang eksaktong nararamdaman ko ngayon at nakakainis at nakakafrustrate na! Hays!

"Zid, nagawa mo ba 'yung assignment natin?" tanong ng tumabi sa akin, si Alex Kit. Siya lang naman ang isa sa mga bumubuo sa araw ko. Para akong isang timang na nakatingin lang sakanya habang inilalapag niya ang bag niya sa sahig. Bumalik lang ako sa katinuhan nang bigla siyang kumaway-kaway sa harapan ko.

"Huuy!" sambit niya at tumatawa na siya habang kumakaway sa harapan ko.

"Ay! Ay! Ano ba 'yan! Uhm, assignment? Oo, nagawa ko. Ikaw? Gusto mong kopyahin?" diretsong alok ko.

"Talaga? Ang bait talaga ng seatmate ko! Akalain mo, three years na tayong mag-seatmate? Sana next year ulit," sabi niya habang inaabot ang assignment ko.

Hindi ako nakasagot sakanya. Si Alex Kit lang naman ang isa sa mga pinakaguwapo sa batch namin. At oo, three years in a row na kaming mag-seatmate ni Alex Kit. Siguro nga ay nagkakataon lang na 'choose your own seat' ang nangyari nitong nakaraang mga taon pero hindi ba't sign na iyon? Iyong gusto ni Alex na lagi kaming mag-seatmate? Hays, heto nanaman ako. Posible rin namang gusto niyang lagi kaming mag-seatmate dahil lagi ko siyang pinapakopyahan ng assignment o hindi kaya'y tinutulungan sa projects namin.

Tahimik ko lang siyang pinanood habang nangongopya siya sa assignment ko. Bakit nga kasi ang guwapo niya, palabiro, free spirit, may dimples at palangiti?

"Uy Zid, salamat ulit. Napuyat kasi ako kagabi kaya hindi ko nagawa," sambit niya habang ibinabalik sa akin ang assignment ko. Napakamot pa siya sa batok niya at dahil doon, alam ko na nagsisinungaling na siya.

"Sus, napuyat? Saan? Sa kakalaro? Magbago ka na nga Alex Kit! Third year na kaya tayo tapos ganyan ka parin!" pang-aasar ko sakanya. Ganito naman lagi ang routine namin, iyong nangbabangayan, at kada minutong nag-aasaran kami, ang bilis ng pagpintig ng puso ko.

"Nag-aaral naman ako ah! Minsan? Oo na, nakalimutan ko na may assignment tayo," natatawang sabi niya.

"Tschh. Typical Alex Kit."

"Ah oo nga pala Zid, kilala mo na ba 'yung bagong girlfriend ko?" inilapit niya ng husto ang upuan niya sa tabi ko.

"Bago nanaman? Schoolmate ba natin? Ay nako! Ayaw ko nang marinig. Mag-settle ka na kaya sa iisang babae—uhm," napahinto ako sa pagsasalita. Ano naman daw ang pinagsasabi ko?!

"Oy, ang weird mo ngayon. Meron ka ano? Usually e nanghihingi ka agad ng picture e. Ipapakita ko na nga sana sa'yo ang picture niya kaso lang, tsk, nagbreak na kami kanina lang. Masyado kasi siyang nangingialam ng gamit e. Ayaw na ayaw ko pamandin sa mga taong ganoon," nakangising paliwanag niya.

SEATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon