Mr. Libra

16.8K 363 59
                                    

'Aries and Libra are directly opposite one another in the Zodiac –180 degrees apart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Aries and Libra are directly opposite one another in the Zodiac –180 degrees apart.'

Halos madurog ang puso ko nang basahin ko ang lumabas sa internet nang i-search ko ang love compatibility between Libra at Aries. Ako ang Aries, at si crush naman ang Libra. Detalyado ang laman ng article pero mas interesado ako sa conclusion. Hindi ko kabisado ang lahat ng tungkol sa celestial bodies pero naniniwala naman ako sa horoscope.

Hindi naman sa iniaasa ko ang lahat sa horoscope pero kada umaga ay isa ito sa una kong tinitingnan sa internet. Aba, hindi biro ang naitulong ng horoscope sa akin—iyong mga lucky numbers, colors, decision making, pampalakas na rin ng loob o encouragement!

Pero sa nabasa ko ngayon lang, parang ayaw umayon sa akin ng universe. 'Yung crush ko kasi na si Mr. Libra ay kaklase namin sa Filipino. Ayaw ko namang mag-ala stalker pero tumitindig talaga ang mga balahibo ko sa sobrang cute niya. As for other qualities, I'll have to see soon—I hope.

"Pami! Oy! Pami!" Inuga ni Ara, roommate ko, ang magkabilang balikat ko mula sa likuran.

"Ano? Tingnan mong broken hearted ang tao e!" emote ko. Ipinaikot ko ang swivel chair na inuupuan ko para mapaharap ako sakanya.

"Ang OA mo talaga lagi. Horoscope nanaman ba ang tinitingnan mo?" Napangiwi siya. Pareho kaming second year Accountancy students ni Ara at isang taon na kaming roommates dito sa boarding house. Isa yata siya sa mga taong hindi talaga fan ng horoscopes. Iyong tipong hindi pa niya sigurado minsan kung ano nga ba ang Zodiac sign niya!

"Tinitingnan ko lang ang love compatibility namin ni Mr. Libra!" excited na sabi ko. Bigla ba naman niya akong binatukan!

Late enrollee kasi si Luke, a.k.a. Mr. Libra, sa Filipino class namin ni Ara. Sobrang bait ng universe dahil nasa likuran lang namin siya ni Ara. Gawain naman talaga namin ni Ara ang cute boy spotting kapag bored kami. May isang pagkakataon na nahulog ang ID ni Luke at ako ang pumulot nito kaya't nakita ko ang birthday niya.

But call me a single celled organism—no nerve. Hanggang sa titig lang naman ako sa mga cute boys e. Hindi kagaya ni Ara na siya ang pinipilaan. Maganda naman kasi si Ara kahit na may pagka-brusko siya minsan!

"Two weeks palang tayo sa klase, Pami. At teka, paano mo nalaman ang zodiac sign ni Luke? Naku, Pami, tama na 'yang horoscope. Paasa lang 'yan e," sabi niya sabay ngumuso.

"Shhh!" saway ko sakanya.

"Baliw! Mag-ayos ka na nga, may pasok pa tayo!" natatawang sabi ni Ara bago siya lumabas sa kuwarto ko. Hinarap ko ulit ang laptop ko. Okay, good vibes come on!

'ARIES - Horoscope for today: You've got to pay closer attention to what people are saying — especially those who are closest to you. Things might start to get pretty weird if misunderstandings arise. Keep the conversation flowing!'

'LIBRA - Horoscope for today: It's a great day for romance — and for art. If you can combine them both, so much the better! A date at a museum could very well turn into something much sweeter and deeper than you had hoped.'

SEATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon