My Skinny Love

35.8K 792 121
                                    

Princess Jane Rodriguez's P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Princess Jane Rodriguez's P.O.V.

Sa isang grupo ng magkakaibigan, mayroon 'yung sobrang ganda na nga, matalino pa; matangkad na nga, sexy pa—that's exactly me! Biro lang. Noon lang siguro. At one point of my life ay satisfied na satisfied ako sa body image ko. Few months back, when my parents separated, I used food as an scapegoat. So from my twenty-ish waist line, I now have—oops, that's a secret. It's just that, I became really really huge. I got a lot of pimples too and I already gave up on using beauty products.

"Princess, come on! Let's go!" narinig kong sigaw ni Mom mula sa ibaba.

"Pababa na ho!" sigaw ko pabalik. Inilagay ko sa bag ko ang hawak kong picture frame. Laman ng picture frame na iyon ang larawan ko at ni Kuya Matt. Payat pa ako sa larawan na iyon.

Bago ako bumaba ay ginala ko nang tingin ang kabuuan ng kuwarto ko. Malaking pagbabago sa buhay ng pamilya namin ang paghihiwalay ng mga magulang ko. Lilipat kami ng Mom ko sa Baguio City at maiiwan naman si Kuya Matt kay Dad dahil dito siya nag-aaral sa Manila. Sa Baguio City lumaki si Mom at nang banggitin niya dati na balak niyang lumipat doon, nag-oo agad ako—kahit na ayaw kong malayo kay Dad at Kuya Matt. May sarili lang din akong rason. May bagay akong gustong kalimutan at iwanan dito.

"Hindi ba tayo ihahatid ni Dad at Kuya Matt?" disappointed na tanong ko kay Mom nang makita ko na sa taxi kami sasakay.

"Your Dad is out of town. Matt will meet us at the airport," pilit na ngumiti si Mom. Ngumiti ako pabalik. Alam ko na mahirap ito para sakanya kaya kailangan kong umayos at hindi maging sanhi ng sakit ng ulo niya. Naalala ko nang sabihin nila sa amin na maghihiwalay sila. Panay ang tanong ko kung bakit pero ang sinabi lang sa akin ay 'It wasn't working anymore'. I stopped asking because they won't give me answers other than that.

***

Pagkarating namin ni Mom sa airport ay pinadiretso niya agad ako sa waiting area dahil may kakausapin lang daw muna siya bago kami umalis at total ay parating narin daw si Kuya Matt.

Umupo ako at naghintay hanggang sa nakita ko ang likuran ni Kuya Matt na parang naghahanap. Suot pa niya iyong jacket na regalo ko sa kanya noong nakaraang pasko. Tumayo ako at agad na tumakbo para yakapin siya mula sa likod.

"Kuya Matt, sumama ka na sa amin," mangiyak-iyak na sabi ko habang yakap-yakap ko siya. Hindi siya umimik at nanatili lang siya sa kinakatayuan niya. Umf, siguro ay naiiyak narin siya kaya ayaw niya akong harapin. Hinigpitan ko pa lalao ang pag-yakap ko sakanya.

"Psst, Princess," narinig kong tawag ni Kuya sa akin.

"Bakit, Kuya?" sagot ko. Pumikit pa ako habang yakap-yakap siya.

"Shit, Princess Jane. Nakakahiya ka. Tingin sa likod!" malakas na sabi niya. Automatic kong binitawan ang yakap kong akala ko ay si Kuya nang marealize ko na galing nga sa likuran ko ang boses ni Kuya. Sa kamalas-malasan ay sumabit iyong singsing ko sa jacket ng niyakap ko! Kaya naman bago pa ako harapin ng estrangherong ito ay tinanggal ko nalang mula sa daliri ko ang singsing at agad na tinakbo si Kuya para ilayo doon sa niyakap ko. God, nakakahiya!

SEATMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon