CHAPTER 20- STUPID'S MISSION

125 1 0
                                    

DARREN’S POV

Dati pa naman ako nasali sa mga singing contest (minsan panalo, madalas talo)  kaso iba ‘to kaya todo ang kabog ng dibdib ko. Pano ba naman kasi ngayon lang sasabihin kung anong theme ng kakantahin! Tapos on the spot kang mag-iisip kung anong kakantahin mo for FIVE MINUTES LANG!

Pero sabagay ayos rin naman kasi may challenge.

Nakakakaba nga lang… Lalo na’t manonood yung tatlong muntik na ma-rape. Nag-ala captain barbell  naman ako XD Ang tapang kasi masyado ni bes, ayan tuloy.

Buti pala napadaan ako dun sa food court!

Anyways, nandito na ko sa backstage at nagsisimula na yung contest.

PUCHAAA! Ang dami pala naming sasali. Mga 30 ata kami dito. Kailangan ko ng swerte!

“The winner of this show would win 20,000 pesos and a chance to be a guest in TV9 shows.”

Sosyalera naman ‘tong host. Teka di naman siguro tayo napapanood sa TV di ba? DI BA?!

“Guys, we will make you call call in stage later. Standby lang kayo ha.”

Stage manager ata yun. Tumayo ako para makita kung sino yun. Ang conyo naman kasi magsalita—

“CY???” at ba’t nandito ‘tong pusang galang ‘to?! May headphone pa sa ulo

“O Buchoy, join ka rin pala ditey?”

“Ay hindi staff rin ata ako? Wait! Anong ginagawa mo dito?”

“Racket ko! Musta na pala si Nay shirley— Ay wait a minute lang Buchoy ha… GUYS! FALL IN LINE NA!!!“

Ay busy siya. Maya na lang. Pinapila na nga niya kami… tapos…

“Please  welcome our contestants for today!”

Daming nanonood! Pati sa second floor, third floor at fourth floor, lahat sila nagpapalakpakan.

Pero di ko makita mukha nung mga tao… Kabanas kasi! Wala akong eyeglasses, walang pambili eh!

Hay… Tiis tiis din.

Nagwave wave lang kami sa audience.

“Ang kakantahin nyo ngayon ay tungkol sa…”

Marunong naman pala magtagalog ‘tong host na ‘to, pinapahirapan pa ang sarili.

“…DON’T SAY YOU LOVE ME.

 Like you’re inlove pero di mo masabi at through music…PWEDE!

May naiisip na ba ang audience natin?

So these contestants will have to choose their songs for only…

5 MINUTES!”

Ayun, pinalayas na kami sa stage. Wait for our turn daw at they will call call yung names namin. Haha. Conyo na rin? Ngayon lang xD

“Don’t say you love me?”

1st contestant- Don’t say you love me

Ay ang talino! Pinag-isipan niya talaga yung kinanta niya

2nd contestant- Kung Malaya Lang ako

3rd contestant- Bakit Ngayon Ka Lang?

solo lang yung lalaking kumanta. astig nga eh!

.  .  .

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now