CHAPTER 7- MODERN FAIRYTALE?!

190 2 0
                                    

DARREN’S POV

“Kuya, ano kaya kung iwasan mo muna si Ate Yna… Ibig kong sabihin parang kausapin mo lang siya kung may itatanong siya. Try mo baka effective na mawala bigla feelings mo sa kanya. Sobrang close niyo kasi eh. Hmm… Pero wag naman yung todo iwas kasi baka isipin niya wala tayong utang na loob. haha!”

 

Two weeks na nga ang lumipas. Sabi nga ni BJ dapat idistansya ko ang sarili ko kay bestfriend at yun naman ang ginagawa ko…

Astig talaga yang kapatid ko! May sense kausap, baliw nga lang minsan.

Two days lang absent si Yna nung namatay si Tito Raffy pero naka-recover din siya kaagad. Namimiss ko na yung dating kami.

Wala akong balak tanungin sya about sa daddy niya kasi panigurado ayaw pa nya yun pag-usapan

Pero nakikita ko namang masaya siya eh

Ayun oh, kasama si

Martin

“HELLO TO DARREN!!! WELCOME TO EARTH!!! HELLO?!” kasama ko pala si Kaylie, lunch kasi.

“Ah… Bakit?” tanong ko

Panay kasi ang tanaw ko kila Yna habang nakain.

“Kanina pa kaya ako salita ng salita dito pero di ka nakikinig...” Kaylie talaga!

Sabi ko kasi mag-tagalog siya kapag kausap niya ako. May accent pa nga eh XD Masunuring bata naman. Bwahaha!

“Ay Sorry. Hehe. Ano yun?”

“Sabi ko bigay mo ulet apple ko kay Justin.”

“Lagi naman eh,” kinuha ko yung mansanas na hawak niya. “Alam mo minsan naiisip ko dapat may kapilit itong araw araw na ginagawa mo kong delivery man eh.”

“Sorry na… Busy kasi sa student council eh, please?”

“Oo na! Haha! Di ka na mabiro.”

“Hmm… sige isip ka ng kapalit.”

“Joke nga lang yun. Alam mo yung joke? Wag na. Wala rin naman akong maisip eh.”

“Eh Basta! sabihin mo na lang kapag may naisip ka na. Please?? Please…”

“Aaaah!!! Nakakainis na yang please mo!” Pa pikit pikit pa yung mata niya, “Sige na! Oo na! para namang makakatanggi pa ako.”

“Oh.” inabot ko kay Justin yung mansanas, “Bigay nung babae sa may pintuan.”

“Naku! Alam ko! Palagi naman niyang Snow White na yan eh! Nakakairita na! NAKUUU!”

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon