CHAPTER 3- ROSE AMONG THORNS

243 2 2
                                    

DARREN’S POV

Ang daldal naman ni Justin. Kaya nilayasan ko para tignan yung section 1 para mabilis.

Ang dami na kasing mga estudyante, nagkakagulo na... parang may pila ng NFA rice!

So, hinanap ko na nga yung pangalan ko…

Sarjento...

Sarjento...

Butch Darren Sarjento...

AYUN!

SARJENTO! SA SECTION 1 KA!!! Talino ko talaga!

May nakita rin akong Justin. Galang ang surname... Ahh baka si JUSTIN YABANG na ‘to.

Syempre, nakita ko yung pangalan ni bestfriend! Anak ba naman ng may-ari ng school at syempre matalino rin siya!

Paalis na sana ako nang biglang may mga tumabi sa akin

“Uy, tamang tama! Magkakaklase pala tayo. Justin Galang ka ba?” sabi ko kay Justin

“Oo. Pasok na tayo sa classroom.”

Bakit parang kanina ang saya nya? Ngayon naman parang bad mood ata?

“Sige! Yna, tara!”

Sobrang excited na ako mag-start ang clasos! Paano kaya ang turo dito sa private school? Eh yung mga magiging kaklase ko? PUCHAAAA!!! Di na ako makapag-antay!!!

“Mauna na kayo. May titignan lang ako.” Ano kaya yun? “Save mo ko sit tabi tayo ha.”

Syempre! Kahit wag mo na sabihin! ^__^

“Ok ok. Tara Pareng Justin!” Niyaya ko na si Justin at dun kami sa left side ng second row umupo

Si Justin umupo sa pinaka dulo, sa tabi ng bintana. Nagpapaka-emo ata.

Umupo na lang ako sa tabi nya. Nilagay ko naman yung bag ko sa upuan na nasa tabi ko, save ko nga ng upuan si Yna eh XD.

Bigla akong napaisip na napaka-swerte ko talagang makakapag-aral sa ganitong school.

Chineck-up ko yung upuan ko, ang ganda!

Tumingin ako sa board, sosyal!

Yung BLACKboard naging WHITE! Astig talaga!

Oo nga pala! Naalala ko kanina napatulala ako kay bestfriend… Nakakahiya yun!!! Di ko kasi napigilan eh, ang ganda pala niya kahit naka uniform!!! Da best talaga siya :)

Tumingin naman ako sa paligid…

Teka lang.

Parang pinagtitinginan ako ng mga tao dito… o feeler lang ako? May dumi ba sa mukha ko? Kinapa-kapa ko naman kung may dumi ako sa mukha, pero parang wala naman. Ano bang meron?

Matanong nga kay Justin baka alam nya.

“Pare, bakit nila ako pinagtitinginan?” 

“Naku… Ano ka ba! Malamang transferee ka kaya ka nila pagtitinginan.” sabi niya habang nag-uunat unat ng sarili. “Weird ka rin kasi. Nerd! Hay naku.”

Sungit naman nito, “Pare, may problema ba tayo?”

Napa-upo siya ng deretso “Naku! Gaano na kayo katagal magkakilala ni Yna?!”

“Matagal na. Seven years old pa lang kami magkakilala na kami nyan. Kaya kami bestfriends eh. Bakit ba?”

“Bestfriend lang?” tapos ngumiti siya. Ano bang problema nito? “NAKU PARE!!! Buti na lang nagkakaintindihan tayo. Pare na tayo ha!”

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon