CHAPTER 4- SNOW WHITE

171 2 0
                                    

YNA’s POV

Nakakainis yung mga lalaking yun!

Makapunta nga sa cr para makapag-isip…

Humarap ako sa mirror

ANO BANG PROBLEMA NILA?!

Si Justin masyadong papansin kanina… dati na siyang papansin pero ngayon sumobra!

Si Gerald naman ang ingay at yabang! May pa love team love team pag nalalaman, ayan tuloy sobrang nahiya ako kanina.

Si Martin naman…

HAWAK NG HAWAK SA KAMAY KO!

Di ba niya alam na nababaliw ako kapag ginagawa niya yun!!! I'm not easy to get. Conservative ako noh!

Lastly, si Buchoy

este Darren pala. Feeling si daddy! Alam niya kasi na tutol si daddy kung mag kaboboyfriend ako eh kaya pati siya napaka-over protective.

Si mommy lang ang mapilit. Pero dapat daw yung magiging boyfriend ko kilala niya yung pamilya. Hay… Business…

Ooops! Could it be my senior love?

Martin?!

Pinagsasampal ko yung mukha ko, “Yna, pagbalik mo dun dapat naka smile ka tapos kunwari walang nangyari.”

So ang galing! Parang akong baliw na kinakausap ang sarili sa salamin!

Ok. di na ako magtatagal dito at baka ma-news pa ako.

“Kimberly Yna Mendrez, nagpooh pooh sa first day of classes!”

Ginagaya ko ba voice ni Mike Enriquez niyan! Haha! Subukan lang nila isulat yan sa newspaper! Tanggal sila sa school! XPP

Naglakad na nga ako papuntang classroom. At palapit ng classroom nagtaka ako, “Bakit parang ang ingay?”

Binuksan ko yung pintuan

Ang gulo!!! Haha. Siguro nga free time kasi first day.

Sinara ko na yung pintuan at pagkalingon ko…

si Gerald…

si Justin…

si Martin at Darren…

NAKATINGIN NA NAMAN SA AKIN?! Ano namang problema nila?!

So umupo na nga ako sa chair ko nang nakangiti sa kanila… pero ganito reaction ng mga baliw:

Gerald ( ^__^)

Justin (  O .o)

Martin ( ^__^)

Darren (  -__-)

             (-__-  ) bakit kaya?

Di ko na lang sila pinansin. Bahala sila!

Yun nga free time kami. Natapos na rin ang English ng puro si Martin ang kabulungan ko. Ang cute nga niya eh, kinukulit ako. Tanong ng tanong kung sino si Darren, paano kami nagkakilala...bakit siya nandito... Ano ‘to jelly kay bestfriend?! A-S-A!

“Ang feeler ko.”

“Ha? Bakit naman?”

SH*T! Kahiya! Narinig niya!!!

“Ah… Eh… Hmm… Wala naman akong sinasabi eh.”

Umepekto ka! Umepekto kaaa!

“Ah ganun ba? Akala ko meron eh. ^__^”

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon