Bakanteng lote

120 3 0
                                    

Gusto ko sanang akinin ang bakanteng loteng iyon.

Ngunit napakarami na palang may interes doon.

Marami ng nagtatalo para mapasa-kanila,

ang kakarampot na ispasyo na para lang sa isa.

Sa dinami-rami naman ng lugar dito sa mundo.

Bakit ang bakanteng loteng ‘to ang naibigan ko?

Napakarami namang lugar na higit na maganda.

Pero bakit sa lugar na ito gusto kong tumira?

Sana mapakiusapan ko ang may-ari nito.

Na ako na lang sana ang bibili sa loteng ‘to.

Sinusunod ko lang kasi ang dinidikta ng puso ko.

Gusto ko lang talagang tumira d’yan sa lote mo.

Pero sa totoo lang ay malabo ng mapasa-akin.

Ang bakanteng lote na masikip at napakaliit.

Kasi mukhang hindi ko na ito maaaring bilihin.

Dahil sinarado mo na ito para sa akin.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Where stories live. Discover now