Lapis at kwaderno

166 10 5
                                    

Marami ang hindi nakakapansin nito,

Siguro ay dahil sa hindi na ito uso.

Ang mga bagay na kung saan tayo ay unang natuto,

Nabibigyan pa kaya ng halaga ang mga bagay na ito?


Subalit para sa'kin labis pa rin itong mahalaga,

Dahil ito ang mga ginamit ko upang mai-labas ang mga nakatagong nadarama.

Kalungkutan kahit papaano ay naibsan.

At kahit walang makabasa ito ay sapat ng dahilan.


Maubos man ang mga natitirang pahina,

Mabali man ang tasa at maupod man ang pambura.

Ngunit sa bandang dulo ay susubukan ko pa rin,

Ikwento at ilabas ang aking mga saloobin.


Sana sa huling mga letra ay may makapuna,

Nang tunay na ako na hindi nila makita.

Dahil ako ay nakatago sa likod ng isang maskara.

At sa isang kwaderno nakasulat ang aking istorya.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Where stories live. Discover now