Catherine

210 5 2
                                    

Maganda't napakaamo ng kanyang mukha.

Ngiti niya'y maakit ka ng sobra-sobra.

At sa mga kilos niyang mala amasona

Puso mo'y huhulihin at bibihagin niya.

Kaya heto nanaman puso ko'y nagdurusa.

Dahil ang puso ko ay binihag na din niya.

Pinipilit nga nitong tumakas sa kaniya.

At sa iba magpahuli upang lumigaya.

Ngayon hindi malaman kung anong dapat gawin 

para mamatay sayo'y lihim na pagtingin.

Kakatwang isiping magmahal na lang ng iba.

Ngunit mahirap lokohin sarili ko sinta.

Alam kong mahirap bago mo ako mahalin.

Ngunit patuloy na maghihintay sayong pagdating.

Pero pagnatutunan mo na akong mahalin,

At baka huli na ang lahat sa atin..

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Where stories live. Discover now