Now Playing: Incomplete

16.5K 246 57
                                    

#8 Incomplete by Sisqo

(Song in the multimedia section)

-.-.-.-.-.-.-.-.-

 “I now pronounce you husband and wife! “

Kasabay ng pag announce ng pari ay ang malakas na hiyawan at palakpakan from the guests. Most them stood up at pumalakpak pa.

“You may now kiss the bride.” pag add ng pari sabay turo kay Karylle. She gave a small  smile sa kanyang groom. She felt a pang in her heart ng makita nya ang teary eyed na mata nito.

“Ako ba ang hahalik sa’yo?” she joked.

Tinaas ng groom ang veil ni Karylle at parang pinagpag pa ang sarili na nag pprepare para sa moment. Lalo namang na-guilty si Karylle sa reaksyon ng newly pronounced na asawa nya.

“Finally,” sabi nito ng matanggal na ang nakaharang na veil sa mukha ni Karylle, he leaned  forward and kissed her lips softly, “Mrs Baby na kita.”

Yael pulled his bride for a tight hug after their kiss. The crowd cheered even louder after the most awaited kiss.

After a few minutes ay naglakad na rin palayo sa altar ang bagong kasal para lumabas ng simbahan. Their guests still cheered as they walked down the red carpeted aisle, holding hands na may pa-sway sway pa. As the two went outside, the crowd slowly followed para lumabas na rin.

Not far sa location ng simbahan, Vice stood in his supposed to be outfit for the wedding. It was a black and white na suit and tie na dineliver mismo ni Karylle sa bahay nya. He frowned at the sight of Karylle and Yael waving to their guests as they left the church in a white limousine. 

~

The showtime family sat close together sa dalawang magkatabing bilog na table. In one table sat Anne with her boyfriend Erwan  Juggy with  Andi, Billy, Coleen, DJ MOD and to Karylle's surprise, Vhong Navarro with his girlfriend Tanya. Sa kabilang table naman nakaupo sila Teddy with his wife and kids na naging flower girl at ring bearer sa kasal, si Jhong with his long time girlfriend Maia, Kuya Kim with his wife, and Eruption with his girlfriend.

"Sayang hindi nakarating si Vice 'no?" sabi ni Billy kay Karylle habang nakaupo ang bagong kasal nilang kaibigan sa table nila.

Karylle chose to ignore what Billy said at iniba ang topic bigla, "So what did you think of the wedding guys? I'm sure marami kayong say." sabi ni Karylle at tumingin in particular kay Anne.

Anne smirked, "It was perfect sis, ang bongga. Naiyak nga ako eh." sabi ni Anne at napahawak bigla sa braso ng boyfriend nya.

"Eh nasaan nga ba si Vice? Akala ko pa naman okay na kayo." sabi ni Teddy na nakatayo over their dahil nasa kabilang table sya nakaupo. 

"You know what guys, samin na lang yung problema namin." sabi ni Karylle dismissing the topic again.

Tumayo naman si Karylle from her chair at lumapit sa kinauupuan ni Vhong, "Vhongskie!" sabi ni Karylle at biglang yumakap sa leeg ni Vhong habang nakaupo ito, binigyan nya ng light kiss sa cheek si Vhong, "Thank you, thank you, thank you!" sabi ni Karylle bago binitawan si Vhong.

Tumawa naman si Vhong at hinawakan sa kamay si Karylle, "Ikaw pa ba, alam mo namang hindi ko papalampasin tong pag dadalaga mo noh." Vhong teased kaya naman piningot sya ni Karylle.

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon