Now Playing: Pinoy Ako (Part 1)

15K 239 27
                                    

#9 Pinoy Ako by Orange and Lemons

><><><><

(Sa storyang toh, imaginin nyo na normal na tao lang sina Vice at Karylle. Hindi sila artista. Lalo din naman ang iba pang cast members. Haha I'm sure mage-gets nyo naman hehe.)

-

Vice's POV

"Hello Philippines and Hello World!" rinig kong bati ni Toni sa mga tao habang nakatakip ang mga mata ko. Nakarinig ako ng walang katapusang hiyawan bago may humatak sa braso ko at sinabing kailangan ko na daw mag ready.  Dinala ako ng isang tao sa isang lugar kung saan mas rinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao. Mas malapit na siguro ako sa stage nito. Ngumiti ako dahil sa pagka excite, ako daw unang iintroduce sa madla eh. 

"Alam kong lahat kayo excited na para makilala ang mga bago nating housemates! Kaya mabuti pa hindi ko na papatagalin pa ito. Simulan na natin ang gabi!" sabi ulit ni Toni kaya nag hiyawan na naman ang mga tao. Bilib din ako sa mga taong toh eh, bawat spiel na lang hiyaw sila ng hiyaw. Eto na ba ang mundong papasukan ko? Handa na ba akong mahusgahan? Kahit mismong normal na tao nga lang ako, kapag nahuhugahan ako nasasaktan ako.. Paano pa kaya kung mapapanood na ako ng milyong milyong katao sa buong mundo. Paano kung hindi nila ako magustuhan? 

Natigil na lang mga iniisip ko nung may tumapik sa likod ko at sinabing malapit na daw akong tawagin. "Sige, ready na po ako." sabi ko sa tao at may sinabi naman itong parang cue habang papalayo pero parang hindi sakin. 

"Let's all welcome our first housemate! Roll VTR!" 

Ayun nga, pinalabas na siguro yung VTR ng buhay ko. Pinakita na sakin yun, sa VTR pinakita kung gaano kahirap ang buhay ko. Lima kaming magkakapatid, ako yung bunso, dalawa babae, dalawa lalaki, pero apat yung ate ko. Yes, tama, kasi yung mga kuya naging bakla din. Kinuwento din sa VTR yung pagiging OFW ng nanay ko dahil sa maagang pagkawala ng tatay namn.  Maaga akong nag trabaho at nag sikap para makatulong sa nanay kong pag aralin ako at mga kapatid ko. Pinakita sa VTR ang mga trabaho ko simula sa pagtitinda sa kalsada hanggang sa pag peperform sa mga clubs at comedy bar.

After mag play nung VTR ay nag hiyawan mga tao. Good sign yun, sana magustuhan nila ako... Tumungtong na ako sa isang hakbang sa hagdanan bago tinanggal yung piring sa mata ko.

"Please welcome, ang Happy Gay Lucky ng Tondo, Jose Marie "Vice" Viceral!" 

Dali dali akong umakyat sa stage at sinalubong ako ng flashes ng camera. Lumapit sakin si Bianca at dinala ako para tumayo sa gitna nila ni Toni. Nganga yung perfect word na mag dedescribe sakin. Nakatingin lang ako sa libo ng tao na nandun ngayon na tumitili sa'kin habang kinakausap ata ako ni Toni.

"Vice?!" sabi ni Toni at niyugyug ako ng konti. Bumalik naman ako sa sarili ko salamat sa pag yugyug ni Ateng Toni sa akin.

"Ay sorry! Ano yun?!" sabi ko na biglang nahiya dahil baka sabihin ni Toni ang FC ako agad.

"Hahaha, okay ka lang ba? Kamusta ka?"

"Ahh.." sabi ko sabay takip ng tenga dahil halos wala na akong marinig sa ingay ng mga tao.

Pinakalma naman nina Toni at Bianca ang mga tao bago ako tiningnan ulit.

"Eto mga 'te, keri naman.. Medyo lapot nga lang dahil ang init eh, ninenerbyos ako kanina pa."

"Nakakatuwa ka Vice!" sabi ni Toni sakin at inakbayan ako, "May tanong lang kami sa'yo..."

"Go 'te." sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko.

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon