Now Playing: Wrecking Ball

16.2K 243 25
                                    

#4 Wrecking Ball by Miley Cyrus


><><><><><><

A/N: Another AU oneshot. Masyado akong nag e-enjoy sa alternate universe. If you don't like Vampires or supernatural shiz, this is probably not for you. Give chance though ;)


><><><><><><><

Madaling araw na, bilog na bilog ang buwan. May dalawang lalaking nakatayo sa gitna ng gubat, parehong naka-itim ang dalawa at mukhang seryosong nag uusap. 

"Hindi kayo pwedeng magsama ng babaeng yung Viceral." sabi ng lalaking naka itim at nakasandal sa isang matandang puno.

"Pero..."

"Sabi mo mahal mo sya diba?"

"Oo."

"Habang maaga pa, lumayo ka na."

"Bakit ba?" sabi ni Vice na galit at inatake ang kasamahang lalaki. Nilagay nya ang dalawang kamay sa leeg nito at gusto na sanang putulin ang pag hinga.

Tinulak naman ng lalaki si Vice kaya't mabilis itong napalipad palayo sa kanya at tumama na lamang sa hindi kalayuang puno.

"Wag mo kong kakalabanin gago ka." sabi ng lalaki at inayos ang suot nito, mabilis syang nakalapit kay Vice at itinayo nya ito ng paghatak sa jacket ni Vice.

Tinulak ni Vice yung lalaki palayo dahil napikon sya sa ginawa nito, "Wag nyo syang gagalawin. Dahil ako ang makakalaban nyo."

"Ikaw ang papatay sa kanya." 

"Tangina Billy, para namang hindi nangyari sa'yo to ah" sabi ni Vice na ngumiti sa kasama nya. Nag bago ang itsura ni Billy at naging pula ang mga bigla dahil sa galit, "At anong ginawa mo?" tumawa si Vice at tinulak papalayo si Billy kaya ito naman ang lumipad pabagsak sa lupa.

"Sa tingin mo masaya si Nikki sa ginawa mo?"

Tumayo si BIlly at sinuntok si Vice ng napakalakas. Umiling na lang si Vice at tinawanan yung kaibigan.

"Duwag ka! Namatay si Nikki dahil duwag ka!" 

Tumingin si Billy sa may lupa sabay pag nginig ng katawan nito. Pinanood lang sya ni Vice hanggang sa hinarap ulit sya nito at nakita ang nag lilisik na pulang mga nito pati na rin ang matalim na ngipin na kalalabas lang. 

"Pare-pareho lang tayo ng kapalaran Viceral. Tandaan mo yan!" sabi ni Billy na biglang lumalim ang boses. 

~

"Bakit?"

"Anong bakit?"

Sinarado ni Karylle ang pinto na binuksan na ni Vice dahil palabas na ito.

"Dahil hindi kita mahal." sabi ni Vice at nag smirk. Mahal na mahal kita

Tinatagan na lang ni Karylle ang sarili dahil sa narinig nya. Umiling sya at sinarado pa rin ang pintong binuksan ulit ni Vice. Tumayo na sya sa harap ng pinto para di makaalis si Vice.

"Dahil bawal?" tanong ni Karylle ng nakatingin sa dalawang mata ni Vice.

Nilapit naman ni Vice ang mukha nya kay Karylle at siniguradong nakatingin ito ng mabuti sa kanya, ayaw nya ng ulitin pa ang sasabihin nya, "Hindi kita mahal."

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon