Now Playing: Kiss Me

18.9K 276 15
                                    

#2 Kiss Me by Ed Sheeran

><><><><><

(this is totally AU. Straight Vice, not celebs, cool? Leggo)

~

Heto na naman ako, nakaupo sa usual spot ko dito sa coffee house, inaabangan ko na naman sya. Dalawang linggo na to, healthy pa ba to? Hindi ba't stalker na ko nito? Regular na customer ako dito sa coffee house, pero ngayon ko lang sya nakita. Rinig ko Karylle daw pangalan nya. Actually hindi ko narinig, inalam ko. Tinanong ko sa barista. Hoping din kasi ako na malapitan at makausap ko sya isang araw... Pero ewan ko ba, tuwing sa mag tatangka akong lumapit sa kanya, laging may nag pipigil sa'kin. Ngayon lang ako naging ganito. Normally naman wala akong problema sa pag pick up ng mga babae. 

Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo naman daw akong lalaki. Matangkad, matalino, may kaya naman at yun nga, pogi daw. Ano ba ikinahihiya ko?  Hmm, siguro yung fact na ang misteryoso nya.

Ilang minuto pa ang nakaraan, tumingin ako sa orasan, 7pm na. Siguro parating na din sya. Nag punta muna ako ng restroom para jumingle. Pagbalik ko, hindi naman ako nagulat na nandun na sya. Dun din sa usual spot nya sa corner ng coffee shop, kung saan may pang dalawang taong upuan. Sumandal muna ako sa dingding upang pag masdan ulit sya. Naka-shades sya na black, white top, naka blazer at jeans. Naka ponytail naman ang buhok nya, ang ganda nya talaga. 

"Huy Vice! Kung hindi mo lalapitan yan, uunahan na kita."  tumalikod ako at nakita kong kalalabas lang din sa banyo nung isa pang regular dito na si Ben. Umiling na lang ako at pinaalis sya.

Siguro eto na nga ang perfect na time. Ang tagal na rin ng dalawang linggo para magpaka manhid sya.

Lumakad ako papunta sa table nya. Nung nakatayo na ako sa harap nya, napanganga na lang ako. Hindi ako makapag salita.

"Hello?" sabi nya at tumingala.

"H-hi." sabi ko at napakamot sa ulo sabay ngiti, "Pwede ba kitang samahan?"

Napakunot naman ang ulo nya pero tumango din naman sya. Napakamot ulit ako sa ulo at tumingin around dahil parang ang awkward. Parang ayaw naman ata nya. 

"Ako nga pala si VIce. Uhm."

"Ako pala si Karylle." sabi nya at inabot ang kamay nya sakin. Tiningnan ko ito at kinuha, ihahandshake ko sana pero ewan ko kung ano ang nag udyok sakin para halikan ito. Nakita ko sa mukha ni Karylle ang pagkagulat. Shit.  Kinuha nya awkwardly ang kamay nya pabalik at napainom bigla ng kape.

"Lagi ka dito?" kahit alam ko na ang sagot, tinanong ko pa rin. Two weeks na syang nag pupunta dito araw-araw Vice.

"Oo, for the past two weeks, dito na ako tumatambay eh."

"Bakit?"

"Di ko rin alam eh... Feeling ko lang safe ako dito." sabi nya with a small smile.

Napangiti din naman ako kasabay ng pag ngiti nya. Ano ba meron sa babaeng to at bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon? 

"Bagong lipat ka?"

"Di naman ako mag stay for good... Tiga probinsya talaga ako."

"Ah talaga? Saan?"

"Laguna."

"Hindi pa ako napupunta dyan, pasyal mo naman ako." sabi ko as a joke. Napatawa naman si Karylle kaya laking tuwa ko din sa sarili ko.

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon