Chapter 5

5.9K 97 35
                                    

+

"NASAAN ANG ASAWA KO?! NASAAN?"humahangos na tanong ni Flor sa front desk ng hospital. Isang tawag ang natanggap nya mula sa isang pulis at sinabing nasa hospital ang asawang si Carlo kaya naman pagkatapos nitong sabihin kung nasaang hospital nandon ang asawa ay hindi na nito hinintay pang matatapos ang sasabihin ay dumiretso na ito doon, agad nyang ginising ang anak na si Carl, habang nasa byahe naman ay tinawagan ni Carl ang tiyuhin.

"Mam, huminahon po kayo, sino po ba ang tinutukoy nyo.."

"YUNG PULIS! YUNG PULIS NA DINALA DITO!"sigaw nito na emosyonal na emosyonal. 

"Mama.."alo ni Carl sa ina. 

"Mam nasa ER po sya."di na pinatapos ni Flor ang sasabihin dahil tinakbo nya agad ito. Habang binabagtas ang papunta sa ER ay di maiwasan ni Flor magbalik tanaw kung sa naging kwento nila ni Carlo.

"HINDI PWEDE CARLO! HINDI MO AKO PWEDENG IWAN! NANGAKO KA SA AKIN!"sigaw nito habang tumatakbo.

****

"kamusta Flor.."bati sa kanya ni Carlo, kakaumpisa pa lang nya noon bilang in charge sa pamamahala sa kompanyang iniwan ng tunay na ama ni Ysa sa kanya.

"Inspector.. Anong ginagawa mo dito..?"nakangiting sabi ni Flor ng makita ang pulis.

"Wala naman, may binabalikan lang.."sagot ni Carlo.

"Dito? Bakit may naiwan ka ba dito?"usisa ni Flor.

"Well, months ago kasi may nakilala akong babae, maganda sya, masarap magluto at masayahin, pero hindi ko na sya nabalikan pa dahil sa sobrang daming nangyari, at dahil tapos na, napagdesisyunan kong balikan sya at ayain makipagdate.."diretsang sabi ni Carlo.

"Aahh, "di alam ni Flor kung bakit may kung anong sumundot sa puso nya ng marinig iyon. "so nandito sya?"

"May nakapagsabi kasi sa akin na dito na sya magtatrabaho.."kakamot kamot sa ulong sabi ni Carlo.

"ah, so ano pang hinihintay mo, puntahan mo na sya.."ani Flor.

"Okay"pagkasabi ni Carlo noon ay humakbang sya palapit kay Flor. "Nandito na ako.."

"Huh.."

"Nandito na ako sa harap ng babaeng tinutukoy ko.."nakangiting sabi ni Carlo.

Iyon ang naging simula ng lahat para sa kanila, dahil ilang linggo pa lang nanliligaw si Carlo kay Flor ay sinagot na nya ang inspector, naging magkaramay ito sa lahat ng oras. Nang mamatay ang kapatid ni Carlo na si Trini ay nandoon si Flor para gabayan sya. Napagdesisyunan nyang makisama na kay Carlo sa bahay dahil magisa ito. Una ay tutol ang ina nitong si Lina pero nang mapagtanto nitong buntis na si Flor sa panganay na si Carlyn ay wala ng nagawa si Lina. 2 years old na si Carlyn ng kinasal si Carlo at Flor, sa kasal ay nabigla ang lahat dahil sa sariling version ni Carlo ng vow.

"Flor, ikaw ang pinapangarap kong babae, ikaw ang pinapangarap kong maging ina ng mga anak ko, ikaw ang pinapangarap kong makasama habang buhay, pinapangako ko na hinding hindi kita iiwan, ikaw lang ang mamahalin ko.."pagkasabi ni Carlo noon ay tumugtog ang piano at kumanta ito ng I'll Never Go. 

Iyak ng iyak si Flor sa araw ng kasal nito dahil sa ginawang iyon ni Carlo.

****

Sa bungad pa lang ng pintuan ng ER ay nagsisigaw na si Flor. 

"SWEETHEART! CARLO! CARLOOO!"nakita ni Flor ang kasamahang pulis ni Carlo sa isa sa higaan, nakatakip ang buong katawan nito na nangangahulugang patay na.

"Carlo.."madamdaming tawag ni Flor. "Carlo!"nagpalahaw na ng iyak si Flor at saka niyakap ang bangkay.

"MRs. Sta. Ana maghunusdili po kayo!"pakiusap ng pulis.

Campus Queen (Book 2) (SUPER SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon