Chapter 4

6.4K 119 24
                                    

SORRY PO SA LATE UPDATE :(( Sensya na po Talaga (_ _)V

___________________________________________________

chapter 4

+

Gabi na ay hindi pa rin mapalagay si Flor, inaalala pa rin nya ang naging pahayag ni Lexann kanina sa eskwelahan. Napansin naman iyon ng asawang si Carlo kaya bumangon na rin ito.

"Sweetheart, may problema ba?"ano Carlo at saka bumangon at binuksan ang lamp shade.

"Hindi ko lang kasi makalimutan yung mga sinabi ni Lexann kanina Sweetheart.. "nagaalalang sabi ni Flor.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi nakalampas sayo yun eh.."naiiling na sabi ni Carlo. "Flor, ano ka ba naman, hindi komo anak sya ni Lexin ay ganon na rin sya at hindi mo pwede pagbasehan yung mga sinabi nya dahil kahit ako man makita kong may nakapatong kay Carlyn naganon baka mabaril ko kaagad."ani Carlo at saka inakbayan ang asawa.

"Iba lang kasi ang dating sa akin noon, ganon na ganon kasi si Lexin diba.. "sagot ni Flor.

"Sweetheart, lets not judge Lexann dahil sa mga sinabi nya, dont hurt your sister's heart.. Im sure magdadamdam yun pag nalaman nyang ganyan ang tingin mo kay Lexann"sabi ni Carlo, para naman tinamaan si Flor sa sinabi ng asawa, hindi nya tuloy maiwasan ang maalala ang usapan nila ni Ysa bago ito mamatay.

"At isa pa, diba dapat mas kabahan ka dun sa isa mong pamangkin, abay masyado matapang, bigla daw nananampal.."natatawang sabi ni Carlo.

"Dont be suprise sweetheart, anak ni Ysa eh, she is like that nung nasa ganyang edad sya."nangiti na lang sabi ni Flor.

"Parang ikaw.."ani Carlo, isang kurot naman ang natanggap ni Carlo mula sa asawa.

"Awts, masakit yun ah! Dahil dyan kailangan mo ako lambingin.."ngisi ni Carlo sabay yakap sa asawa.

"Hoy Inspector, ibang klase ka din ah, dami mo che che bureche lambing lang pala gusto mo"wika ni Flor sa mister sabay irap dito.

"Asus, ikaw naman, nagpapalambing lang.."kunwaring nagtatampong sabi ni Carlo saka ngumuso.

"Naku nagtampo na kaagad tong asawa ko oh, hmm, sige na nga.."wika ni Flor saka yumakap sa asawa, gaganti na rin sana ng yakap sila si Carlo ng may marinig silang nabasag.

"Ano yon?"napatayong sabi ni Flor at saka dumiretso sa pintuan, "parang nanggaling sa kwarto ni Carlyn"

Nagmamadaling tinungo nG magasawa ang silid ng anak.

"Carlyn! Anak.. Anak..!"katok ni Flor sa kawarto ni Carlyn. Ilang katok din ang ginawa nya ng bumukas ang pinto, nakataklob sa mukha ni Carlyn ang buhok.

"What?"iritang tanong nito.

"May narinig akong nabasag, ano yon?"tanong ni Flor.

"Nothing,."malamig na sagot ni Carlyn. Pero hindi kumbinsido si Flor, nagpumilit pa itong pumasok pero hinarang ito ni Carlyn.

"I said nothing.."asar na sabi nito pero hindi na nito napigil ang ina dahil tuluyan ng nakapasok ito sa kanyang silid, gulat na gulat si Flor ng makita ang loob ng kwarto ng anak. Basag ang salamin nito at sa tapat nito ay ang music box na regalo ng lola nya, sa isip ni Flor, marahil ay binato ito ni Carlyn sa salamin.

"Carlyn, what happen? Ano bang nangyayari sayo?"maluha luha ng sabi ni Flor.

"Wala.. You cant understand! And you will never understand.. "tugon ni Carlyn na nakayuko pa din. Nakatanaw lang si Carlo at nakikiramdam.

Campus Queen (Book 2) (SUPER SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now