Chapter 2

7.4K 139 22
                                    

+

"Hindi ko man lang sya nayakap bago sya mawala.."pigil at pinipilit magpakatapang ni Lewis or J.L na ngayon, nasa harap silang magkakapatid ng kabaong kung saan nakahimlay ang yumaong ina.

"Napakasakit, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Mama, kalunos lunos ang nangyari sa kanya..mas matatanggap ko pa kung sa akit sya namatay pero sa ganong klaseng aksidente.. Lumalabas pa na nagpakamatay sya.. Which we all know is very impossible.."naiiyak na sabi ni Flor habang nakaakbay sa dalawang kapatid.

"Imposible talaga yun dahil she is a very happy and satisfy woman.. Kaya naguguluhan din ako Ate.. Ano ba talagang nangyari.."tanong ni Ysa na lalong gumanda kahit may edad na.

"Nagpaalam siya sa akin na kukunin lang daw yung mga documents na kailangan nya para sa pagmimigrate nya sa America, and then nakatanggap na lang ng tawag si Carlo mula sa tauhan nya about sa nangyari"kwento ni Flor.

"Diba ate kasama kamo nya si Carlyn? Wala ba syang nabanggit sayo?"naalalang itanong ni J.L, para namang mas nalungkot at nabakas sa mukha ni Flor ang dagdag na pasakit ng maalala ang anak.

"Hanggang ngayon she's in shock, hindi sya makausap, hindi sya kumakain, iyak sya ng iyak, pinaconfine na muna sya ni Carlo"naiiyak na namang sagot ni Flor, niyakap sya ni Ysa at inalo. 

"Ate.. Magpakatatag ka.. Nandito lang kami ni J.L para sayo.."ani Ysa.

"I know, tayong tatlo na lang ngayon.. Magkasama na sila Mama at Papa.."mapait na wika ni Flor.

"Tama.. Marahil ito na rin ang plano ng diyos, para bumalik na kami ng tuluyan dito.."makahulugang wika ni Ysa.

"Tuluyan? You mean dito na kayo titira?"nagulat na sabi ni Flor.

"Napagdesisyunan namin ni ate Ysa na after ng libing ni Mama ay babalik agad kaming America para ayusin na lahat ng dapat ayusin and then dito na kami magstay.."paliwanag ni J.L

"thats good to hear pero payag naman ba ang mga anak mo Ysa na dito na kayo tumira.."usisa ni Flor sa kapatid.

"Actually, kaya kami nagtagal dahil inuna naming asikasuhin ang papel nila, maiiwan na dila dito once na bumalik kami ng America ni J.L, dala na namin lahat ng kakailangganin nilang files sa pagtira dito."kwento ni Ysa.

"So nasaan yung kambal?"tanong ni Flor.

"dumaan muna sila ng hotel para makapagpahinga, from airport dumiretso kasi kami kaagad dito ni J.L, mayamaya nandito na yung dalawa.."napatingin si Ysa sa may labas at nakita nyang parating na ang mga anak.

"O speaking, nandito na sila."

Campus Queen (Book 2) (SUPER SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now