Chapter 3

7K 113 16
                                    

+Chapter 3

"Kuya.. Paano na tayo.."maluha luha pa ring wika ni Kristen, bumalik na sila ng hotel kung saan nahulog ang ina, binalikan nila ang ilang gamit bago pa man tumuloy sa bahay nila Flor.

"Wag kang magalala Kris, kaya natin to, we just have to stay strong for each other.. "sabi ni Lexann at saka niyakap ang kakambal.

"Up to now di ko pa din maabsorb na wala na si Mommy, sana hindi na lang tayo nagpunta dito, siguro buhay pa sya.. Wala na si Mommy kuya.. Wala na ang mommy natin.."parang batang nagsusumbong si Kristen sa kapatid.

"Hush, everythings gonna be alright, lets just be happy kasi kasama na ni Mommy ngayon si Daddy at si Tito Tristan.. Remember those 2 guys na kinukwento nya.."palala ni Lexann sa kapatid na nakasiksik sa kanya.

"Yeah I remember, and I wish makasama ko na rin sila.."

"KRIS!!"napataas ang tono ni Lexann sa sinabing iyon ng kapatid.

"Im sorry kuya, I just cant help it.. I miss Mom so Much.. And gusto ko rin makita si Daddy.. And Tito Tristan.. Masaya lagi si Mommy pag kinukwento sila.."hingi ng despensa ni Kristen.

"Kris.. Tayo na lang, wag na tayo magiwanan.. We need each other, di ako papayag na pati ikaw mawala sa akin, "emosyonal na sabi ni Lexann, napayuko na lang si Kristen at saka yumakap sa kapatid.

Ilang minutong umiiyak pa rin si Kristen habang nakayakap sa kapatid ng bumitiw si Lexann.

"Magayos na tayo, hinihintay na tayo ni Manong Oscar.."wika ni Lexann, ganon na nga ang ginawa ng magkapatid, inayos na nila ang gamit. Walang nagalaw sa kwarto buhat ng namatay ang ina, sandali lang kasi nagimbestiga ang mga pulis dito at dineklara nilang aksidente ang nangyari, marahil daw nagpapahinga ito sa may veranda ng di sinasadyang mahulog. Ayaw naman maniwala ni Lexann sa gantong paliwanag dahil kilala nya ang ina, malaki ang takot nito sa matataas na lugar dahil minsan na itong nahulog dito kaya malabong lumapit ito sa veranda, hindi na lang sya nakipagdiskusyon dahil wala na ring magagawa,isa pa pinakita sa cctv camera na walang bakas na sino mang nanloob sa kwarto ni Ysa.

Nilapitan ni Lexann ang bag ng ina at binuksan, maging dito ay walang nagalaw, kinuha nito ang organizer ng ina an binuklat, doon ay nakita nya ang mga larawan nila nung nasa L.A pa sila, kasama nila Ang tito J.L nila. Napangiti na lang si Lexann sa alaalang iyon ay may kung anong kumurot sa puso nya dahil sa pagalala sa ina. Ibabalik na sana nya ang organizer ng ina ng may mahulog dito, kunot noong kinuha nya ito, isa itong papel mula sa organizer ng mama nya, kinuha nya ito at binuklat. Napalaki ang mata nya ng mabasa ang nakasulat.

Mam, nakikita ko po sa salamin na duguan kayo at may katabing babaeng nakaitim, masamang pangitain po yan.

"Kuya Ano yan?"nagulat sya sa kapatid kaya bigla nya pinamulsa ang papel.

"Wala ito, kay mommy, tiningnan ko lang kung ano.. Number lang pala.."pagsisinungaling ni Lexann.

Campus Queen (Book 2) (SUPER SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now