Game 1- Ruined Date?

168K 1.9K 805
                                    

Reminder: Uhm, I made this when I was thirteen so expect that this story is nonsensical and has a lot of grammatical errors, but I'll hopefully alter it soon. School works has been my priority.
THIS STORY IS NOT FOR PUBLISHING
SEASON 1

. . .

"Flappy Bird O Ako?" tinanong ako ni Ryan.

"Ha? Bakit mo naman natanong yan?" nagpatuloy parin ako sa pagtatap sa touch screen ko, nako naman bad timing ka! Kung kelan makakasingko na ako!

Kinuha niya Iphone ko "Ano ba Christine, date natin 'to! Hanggang ngayon ba naman Flappy Bird parin ang nasa utak mo?"

Inirapan ko siya at binabawi ang phone ko sakanya "Ibalik mo nga Ryan! Nakakainis ka! High score ko na sana yung five e! Alam mo bang nagpupuyat ako diyan sa larong yan para lang makasingko??!"

"HABANG AKO PUYAT NA PUYAT TUWING GABI KAKAISIP KUNG SAAN TAYO PWEDENG MAGDATE?" medyo natauhan ako doon sa sinabi niya..

"Ryan.."

"Pumili ka! Nagseselos na ako, bakit kapag tuwing dates natin parati ka nalang nagfaflappy bird??! Bakit? Paraan mo lang ba 'to para iwasan ang dates natin? Dahil nabobore ka? Sabihin mo! Hindi yung umaasa ako." nag burst out siya pero in a minute nagbuntong hininga nalang siya at ibinalik saakin yung phone. "Sorry, wag na muna natin ipagpatuloy ang date na 'to."

"Hala! Ryan wait!" hinawakan ko ang mga kamay niya "Let me explain.."

He gave me an 'I'm waiting' look. Sigh, this guy gives me the chills ♥

Siya lang naman ang uno labadu kong boyfriend~ Si Ryan Philippe, Ako naman ang future wife niyang si Christine Rose. Tapos ang anak namin ay si Flappy, the bird. haha joke! Pero seryoso, napakasungit niya. Simula palang nung grade school ang sungit sungit, kala mo parating may atraso sayo! Pero simula nung nag highschool kami naging sweet siya bigla, nandoon parin naman ang sungit factor pero ngayon mas naging soft siya, 'pag nagkakamali ako parati niya 'kong papagalitan, pero maya maya ay magsosorry din sakin, yun nga lang 'di niya sasabihin pero ipaparamdam niya.

'Pag may pair sa activities parati nalang ako uutusan na kami na ang maging partner, kahit nung una naiinis ako(paano, eh 'di ko makapartner crush ko eh!) pero dahil nga sa nagiging comfortable nadin ako sakanya, parang mas natutuwa pa nga ako pag tatawagin niya 'ko at minsan, ako na ang magsasabi sakanya na kami na ang partners. 'Pag naiiwan ko gamit ko pahihiraman niya 'ko(pero papagalitan muna), tapos kapag gutom ako(dahil walang baon) sasabihin niya busog siya then bibigyan ako ng foods(oo na ang kapal na ng mukha ko!).

Tapos minsan nga eh, maiisip ko "crush ba ako neto?" pero ayokong umatake ang assuming mode ko.

Pero one time, simula lang nung nagpalitan na ng upuan ay 'di narin kami masyado nakakapag-usap ni Ryan dahil may nakatabi siyang babae na mas inenjoy niya kesa sakin, pareho pa naman sila ng way pauwe! Nainis tuloy ako bigla, 'dun ko na naisip na "Ah, crush ko na ba 'to?" una denial pa 'ko eh, pero napuno na'din ako bigla one day. Nung pinapakita na ni girl ang kanyang "damoves" kay Ryan.

Tapos JS Prom nung time nayun, grabe ang gwapo ni Ryan doon sa tuxedo na suot niya! Nagmukha ng magdedebu na siya, akala ko si girl ang pipiliin niya maging dance partner eh, pero 'di ko siya nakitang sumayaw the whole time at nagulat nalang ako, hinintay niya pelang konti nalang ang mga tao at sinuyo ako bilang partner niya! Napamura ako sa isip ko nun eh, kinilig talaga ako! Ang daming gumagambala sa tyan ko, ang daming sparks akong nakikita, para bang nagsoslow mo ang lahat. Parang kami lang ang nandoon sa dance floor, muntikan na nga akong mapaluha eh. Kala ko kasi, 'di niya ako yayayain, nandun lang pela siya para maghintay. Then tinanong niya na 'ko..

"Available ka pa ba? Pwede ba kitang isayaw?"

Talangka! Napahampas na ako sa siko niya e, 'di ko na napigilang mapahagulgol, okay ako na ang baboy, sayang eyeliner ko! Grabe, hindi ko nga inaasahang indirect niya palang sinasabing liligawan na niya ako. Pero worth it naman dahil mahal din pela ako ng taong mahal ko. Simula nun niligawan na nga niya ko, aba! pumunta pa sa magulang ko. Mga anim na buwan sinagot ko nadin.

Kaya nga first date namin 'to. Matagal nya na akong kinukulit e hihi, Pero simula nung nauso ang Flappy Bird ay sobrang naadik na ako, day at night tap lang ako ng tap, minsan kahit nasa klase naglalaro parin ako. Wala eh, nakakaadik lang talaga ang flappy bird, kahit fourth year na ako ngayon ay parang isip bata parin ako. minsan eto narin ang nagiging awayan namin ni Ryan, kagaya ngayon.

"Naranasan mo na bang maglaro ng Flappy Bird?" tinanong ko siya.

Tinignan niya 'ko na para bang obvious na obvious yung tanong ko, "Syempre naman."

"Edi maiiintindihan mo 'ko. Yung mga classmates kasi natin ang lakas magyabang e, highest daw nila ay four kaya gusto kong higitan! Kaso ang hirap. tapos nakakaadik pa." he gave me a confused look.

"So ako hindi nakakaadik?"

"Asus! para ka ngang drugs e! Everyday just looking at you made me feel so addictive" naks. Bumabanat.

Namula ang pisngi niya, so cute. "Bakit ba kasi ang likot mo? Yan tuloy natabig mo puso ko, nahulog pa sayo."

"Ayiee! Alam mo, ang hilig mong gumala" sabi ko.

"Bakit naman?"

"Kasi kahit sa panaginip ko, nakarating ka!"

"E eto, Accounting ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi kahit na pinapahirapan mo 'ko, kakayanin ko parin. Makuha ka lamang." he pinched my cheeks.

"Lechon ka ba?" bumanat nanaman siya, kaso nakakainis ah?

"Bakit? Dahil mataba ako?" magpapout na sana ako e.

"Hindi, please be careful with my heart~" he started cuddling me.

Anuba, Pati ako kinikilig sa mga banat niya! Mawindang kayo, minsan minsan nalang yan bumanat. Kaya sinusulit ko na.

"Alam mo parang kang Flappy Bird?" tanong ko.

"Bakit naman?"

"Kasi nung magkadikitan tayo, nahulog na kagad ako sayo.." Sht kakahiya!

"Haha, kinilig ako dun ah?" He pressed his lips against my cheeks.

"So bati na tayo?" tinanong ko siya.

"Hm, kung sasabihin mo ang gusto ko." pag demand niya.

"Na ano? Mahal kita?"

"Hinde.." he held my hands. "I'll ask you something. Sino nga ba ang pipiliin mo? Flappy Bird o ako?"

"Kailangan pa bang tanungin yan?"

Pinakita ko sakanya ung Flappy Bird na nilalaro ko at slight na tinapon 'to, kahit na mahal pa yang Iphone ko mas mahal ko naman ang lalaking nasa harapan ko.

"Di ko na kailangan pang pumili dahil alam ko naman kung sino talaga ang pipiliin ko, syempre ikaw! Lakas mo sakin eh." pagkatapos nun, pinisil ko siya sa pisngi.

"Aray."

"Aray agad?" pagtatampo ko.

"De, joke lang. Ituloy na natin 'to, tagal ko narin naghihintay eh." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. "Doon tayo 'oh!"

Tinuro niya ang direksyon sa mga rides dito, san bang ride niya ako idadala?

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon